11 AM na akong nagising at 1:30 ako umalis ng bahay. Okay lang. Walking distance lang naman ang bahay sa meeting place eh. May nadaanan ako na tinatayong shop sa may bakanteng lote. Hay nako. Ano nanaman itong project ni Mayor? For sure, office nanaman niya for pangungurakot. Okay that's enough. Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
After 10 minutes nakarating na ko sa meeting place.
Kroo kroo.
Wala pa ding tao eh. Saan ba ko pwedeng magsuot muna? At nakakabanas dito wala namang wifi. Hahaha.
Nakakita ako ng nagpaparada. Aba. Cosplay ata to ng mga anime addicts shits. So syempre tungkol siya sa anime madaming fans ang nakikipicture sa mga ito. Saan ba gaganapin yung event? Ah baka sa plaza. May anime convention dun ngayon eh. But still I don't care. I am not a fan.
Habang nagpaparada sila, dumaan naman yung cosplayers nung parang sa napanood ko kanina na parang the bachelor ang peg. Kyaaa. Ang pogi na sa palabas. Ang pogi pa sa personal. Kyaaaa. Okay. Ngayon lang ako nahumaling sa mga anime characters ah. Ay grabe talaga.
May kumalabit sa akin. Pagkalingon ko sila Hanon na pala.
"Rina. Tara practice na tayo. Dinaanan ko na lahat ng kagroup natin."
Nagpractice na kami. Nagpractice here, there, everywhere.
--
"Okay! 1 hour break" sabi ni Hanon
So since na may dala akong pagkain. Dito na lang ako kumain. Habang kumakain ako. Lumapit sa akin si Ham.
"Uy Rina. Panuorin mo to. Astig to."
"Ano naman yan? Kung anime yan wag na. Naaasiwa lang ako." Sabi ko
"Hindi ka magsisisi. Anime to, oo pero promise maganda to." Sabi niya
"Okay. Try ko. Pahingi ng kopya."
Binigay muna niya sakin yung usb niya. Papanoorin ko ba o hindi? Siguro pag pinanood ko wala namang mawawala. O mangyayari. Okay panoorin na lang. Mamayang gabi.
Andaming otaku sa amin. Buti na lang hindi ako otaku. Buti na lang talaga. Duh.
After an hour nagpractice na kami. At nagsiuwian na din.
--
Pumunta ako saglit sa bahay ng pinsan ko. At naabutan ko silang nanunuod nung parang napanood ko kaninang umaga ganon.
"Ano bang title ng Anime na yan?" Sabi ko.
"Ah eto ba? Yamato Nadeshiko insan. Maganda to. Hahaha." Sabi niya. Ay ano ulit? Yamate Nadeshi-what? Hahaha.
"Ah okay." Sabi ko.
"Kyaaaaaa~ang pogi ni Kyoheeeei." Sabi nung pinsan ko na isa.
"Oo nga sis. Kyaaaaa~" Maharot nga tong mga to. Hahaha.
Nakinood na ako. Maganda naman pala eh. Pero natawa ako bigla nung nagnosebleed yung babaeng character na kamukha ni Sadako. Wahaha.
"Shet. Nagnosebleed yung babae. Anong pangalan nun?! Wahaha." Sabi ko bigla
"Oh. Nanonood ka na insan. Sunako Nakahara." Sabi niya.
"Oo naman. Maganda to eh. Ang saya naman nila. Anong oras replay? Haha."
"10:30 insan."
10:30?! Tulog na ko nun eh. Hayahaaay. Edi mamaya magpupuyat na lang ako.
Sana di ako antukin.
