Prologue

37.3K 709 228
                                    

"Diespertala, Leon..."


"Hindi ko alam kung kaya kong gawin, mi amor..."

"Por favor, you can at least try. For Lenny."

Naririnig niya ang mga tinig na iyon mula sa malayo. Tila nag-e-echo sa paligid. Bagaman hindi niya maunawaan ang mga usapan.

At hindi niya gustong marinig, gusto niyang matulog, matulog...matulog...

"Despiertate, nieta mia, por favor. You've been sleeping for too long."

"Leave me alone..." she whispered without opening her eyes.

"Despiertate, Jewel!"

Napakurap siya sa awtoridad ng tinig.

"You have two choices, nieta, die or wake up!"Naririnig niya ang sariling tinig na umuungol kasabay ng pag-iling.

"No, I don't want to die..."

"Despues, gumising ka. For Lenny and Bernard..."

"Lenny?" Hindi niya kilala ang pangalang iyon pero muli siyang kumurap sa ikalawang pangalang sinabi. "B-Bernard...?"

County hospital, Texas

"WHY ARE you talking to her when you know she doesn't even know you're here?" tanong ng isang bagong pasok na nurse trainee sa malaking ospital na iyon sa Texas. Sa intensive care unit sila naka-assign.

"We have to keep on trying to communicate with the patient, Miss Winters," sagot ng head nurse na marahil ay kalahati ng buhay ang ipinagserbisyo sa ospital na iyon. "It's possible that constant stimulation to the patient may work. So never forget to talk to her when you're doing anything for her," patuloy nito habang inaayos ang mga plastic tubes na nakakabit sa katawan ng pasyente.

Technically, buhay ang pasyente. Pumipintig ang puso niya. Her lungs still breathe in and out. Pero kumikilos lamang ang pasyente kung ginagalaw ng mga nurses sa bawat hinihinging pagkakataon upang hindi manganib na magkaroon ng side effects sa katawan niya ang hindi paggalaw.

"Yes, Mrs. Gibbes," sagot ng bagong nurse na tinitigan ang pasyente. Hapis ang mukha subalit hindi nito maitatangging napakaganda ng pasyente. "She's very beautiful. Mexican?"Umiling si Mrs. Gibbes. "Filipina. And yes, she's very beautiful," sagot nito sa mahinang tinig at ngumiti sa pasyente. "Hello, darling? How are you today? We are going to shampoo your hair this time." hinaplos nito ang mahaba at itim na itim na buhok. "Don't you know that your hair is still silky? Black as a raven's wings and they're beautiful!"

"How long has she been like this?" muling tanong ng nurse trainee. Hindi inaalis ang mga mata sa pasyente. Gusto nitong manlumo na ang ganito kagandang mukha ay tila patay sa comatose state.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Mrs. Gibbes. "Eighteen months."

"Eighteen months!" bulalas ng bagong nurse. "Do you think she will still recover from this coma? And if she does recover, she'll probably be brain damaged..." may pag-aalalang wika nito.

Matalim ang mga matang binalingan ng tingin ni Mrs. Gibbes ang nurse trainee. "Miss Winters," mariing wika nito sa reprimanding tone. "Never discuss a patient's prognosis since we can't really know about that!"

Subalit wala kay Mrs. Gibbes ang pansin ng bagong nurse. "M-Mrs. Gibbes... Mrs. Gibbes, l-look at her!"

Mabilis na ibinaling ng nurse ang paningin sa pasyente at napahugot ito ng malakas na paghinga. Hindi agad nakakilos. Kumukurap ang mga mata ng pasyente. Pagkatapos ay kumibot ang mga labi. Then groaned softly and in a gurgled sound whisper a name.

"B–Ber—Bernard..."

"Oh, lord!" marahang bulalas nito.

Kristine Series 11 - Endlessly (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon