3. PAGTIKIM

15K 135 20
                                        


Gregory Crisostomo – iyan ang buong pangalan ni Manong na tumulong at nagpatuloy sa akin dito sa simpleng bahay niya. Sabi niya, tawagin ko nalang daw siyang Mang Greg.


          "Kain lang. Sensya na sa ulam medyo mabibitin tayo.", sabi pa niya habang kumakain gamit lang ang kanang kamay niya. Nahiya ako sa kanya. Ang bait niya, bagaman may bahid ng pagiging sanggano ang hitsura niya. Pansin kong hindi siya palangiti.


Bumili siya ng lutong-ulam at dalawang tasang kanin pauwi. Dalawang plato, baso, isang pitsel ng tubig at mangkok ng adobo at pritong bangus ang pinagsasaluhan namin.


          "O-opo, Mang Greg, salamat po pala sa tulong n'yo uli. Napakabait n'yo po.", magalang kong sagot sa kanya pero iwas akong tignan siya ng direkta dahil naiilang ako sa hitsura niya ngayong kaharap ko siya sa hapag.


Naka-puting underwear lang siya na hapit sa hubog ng balakang niya simula nang lumabas siya sa kwarto niya kanina lang. Mainit kasi saka ayos lang naman siguro sa'yo di ba? Pareho naman tayo lalaki. Ang esplikar niya kanina lang na mapansin atang iwas ako ng tingin. Malago ang buhok niya sa hita at braso, balbong lalaki na nakakatakam. Parang nakakakiliti siguro iyon sa balat. Wala kasi ako nun, baka kasi bata pa ako pero 'pag nagka-edad pa ako siguro ay tubuan na rin ako ng maraming buhok sa katawan gaya ni Mang Greg. Kahit ganun ay naaliw akong masdan siya ng panakaw. Hinahangaan ko na ata siya.


Ngunit kahit anong iwas ko ay nahahagip pa rin ng mga mata ko ang angking kisig niya at gandang lalaki. Makapal ang kilay niya. Malamlam ang mga mata niyang kulay abo, parang malungkot basta ganun ewan. Hindi siya sobrang gandang lalaki na maputi at napakatangos ng ilong. Para sa akin mas gusto ko na kayumanggi ang kulay, pinoy kasi talaga tignan – tulad niya. Isa pa matikas, bruskong galaw at pananalita niya na nakakadagdag ng paghanga ko. Matipid siya magsalita at malalim ang boses kaya mapapasunod ka talaga. Para bang sa tono ay hindi ka pwedeng tumanggi. Ramdam ko ang tensyon sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin basta iba ang pakiramdam ko lalo na sa mga sandaling ito.


Nang makaramdam ako ng pagkabusog ay tumayo na ako at dinala ang pinagkainan sa maliit na lababo niya sa may kusina niya. Hindi naman talaga ako malakas kumain. Pero mukhang siya ay maganang kumain, barakong-barako. Hinayaan ko na siyang matapos muna. Sobra siguro ang gutom niya kung saan man siya nanggaling buong araw.


          "Ah, Mang Greg, 'pag tapos na po kayo dyan magpahinga na po kayo, ako na bahala sa hugasin.", maayos kong sabi sa kanya paglingon ko at nakita ko siyang tumango lang at tumuloy sa pagkain.


Habang nasa lababo ako ay naisip kong mag-isa lang siya kasi puno ito ng mga plato at baso, kubyertos at iba pa. Nagpakilala na kami sa isa't isa kanina pero hindi na siya nagkwento pa. Binalingan ko ang lababo. Madumi ito at makalat. May pinto sa gilid siguro daan iyon sa likod-bahay. Inikot ko pa ang paningin ko sa buong bahay niya mula sa kinatatayuan ko at masasabi kong walang nag-aasikaso sa bahay ni Mang Greg. Siguro dahil abala siya sa trabaho at pag-uwi sa gabi ay wala na siyang gana at lakas para maglinis pa. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Wala ba siyang asawa o anak? Sa edad kasi niya imposibleng binata pa siya lalo na't hindi papahuli ang karisma niya sa hitsura at katawan.


Tumalikod na ako at bumuntong-hininga at nagsimulang maglinis sa lababo dahil talagang puno ito ng hugasin. Baka dagain at ipisin pa ang bahay niya. Kahit dito man lang ay makabawi ako sa kabutihan niya kahit ngayong gabi lang. Bukas aalis na ako at pupunta na ako sa pagtatrabahuan ko gaya ng bilin ni Mother Elsa at Sister Hanna.

Si Itay . . . ang Barakong Ex-ConTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon