Natigilan naman ako. I'm just confused right now pero sigurado akong gusto ko si Gio. I like Zaivier a lot kaya paniguradong gusto ko si Gio.

Nakaligo na ako at hihiga na sana nang maalala ko si Gio. Nataranta naman ako sa pagkuha ng phone sa bag ko.

Natapik ko pa ang noo ko nang makitang may limang missed calls si Gio at tadtad ng text.

From: Gio
Where are you, Zira?

From: Gio
HQ ka pa?

From: Gio
Nasa labas ako ng HQ.

From Gio:
You should've told me that you're going home with Troye. Para naman  'di ako naghintay nang matagal sa'yo.

Parang kinurot naman ang puso ko.

I feel bad. Ang sama sama ko kay Gio gayong wala naman siyang ibang ginagawa kung hindi ay alalahanin ako.

Nakailang bura na ako sa dapat na irereply ko kay Gio. Anong sasabihin ko? Nakalimutan ko na hinihintay niya 'ko? Damn! E, 'yon naman talaga ang totoo. I forgot him!

Sa huli ay nagpasya na akong tumawag sa kanya.

"Gio..."

Sobra akong nagiguilty sa ginawa ko.

Buntong hininga lang ang narinig ko.

"I'm sorry. I forgot that you're waiting for me."

Sinabi ko rin ang totoo.

He took a sigh. "You always forget about me when Troye is around, right? You like him."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "It's not like that, Gio. Magkaibigan lang kami ni Troye."

"But you like him."

I took a sigh. "I don't."

"Then anong pumipigil sa'yo para sagutin ako? Sa panaginip natin ay hindi mo ako gustong mawala. You're in love with me that you wished that we could lasts forever."

Nanlaki naman ang mga mata ko. "May naalala ka na tungkol sa panaginip natin?"

"A little bit."

Malungkot ang boses niya.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko. He's really my Zaivier.

I heard him sighing again. "Just tell me kung titigil na ba ako, Zi."

Umiling naman ako. "No, Zaiv!"

"Ano ang dapat kong gawin, Zira?"

I heard the desperation in his voice.

Nakagat ko ang ibabang labi ko. "You don't have to do anything. I like you, Zaiv."

"E, ako bilang Gio?"

Natigilan naman ako. Siya pa rin naman si Zaivier diba?

"Of course I like you. Iisa lang naman si Zaiv at ikaw."

Inescapable Dream (Inescapable #1)Where stories live. Discover now