CHAPTER 1: A JOKE

Inip na inip ako ngayon dahil wala akong magawa. Sobrang boring na nga tapos hindi pa ako tinitext ng boyfriend ko. Nakasimangot lang ako habang nanonood ng TV hanggang sa maalala kong ngayon pala magkakaroon ng stock ng album ng paramore mo shop! Agad akong napangiti dahil sa naisip kong iyon. At last! May naisip na akong gawin ngayong araw!

Nagbihis na ako at muling tinignan ang phone ko. Still, no text from him. Maybe he's busy practicing again. Maliban naman kasi sa kanya ay wala na akong mayayang iba sa mall. I have no friends. Wala ni isa ang lumalapit sa akin. Kesyo nilandi ko raw kasi si Jake. May mga kaibigan naman ako dati pero sila rin naman ang nanira sa akin sa school. Masakit mang isipin pero kung sino pa kasi talaga ang pinagkatiwalaan mo, sila pa ang sisira sa iyo.

Campus heartthrob si Jake, my boyfriend. Maliban kasi sa gwapo siya ay siya rin lang naman ang team captain sa basketball. Ayaw ng mga babae sa campus na may girlfriend si Jake pero siguro hibang na ako para sagutin siya. Hibang na ako dahil akala ko matatanggap ng mga dati kong kaibigan iyon.

Tumingin muna ako sa salamin para i-check ang sarili ko. Mahirap na dahil baka mamaya niyan ay may mga makakita sa akin na schoolmate namin. Lalaitin lang nila ako kapag nakita nila ako. Tingin ko naman ay maganda ako, sabi ng mga kuya ko ay maganda naman ako. Marami rin naming nagagandahan sa mahaba kong buhok at brown na mata.

Ugh! Enough! Ma i-insecure lang ako kung patuloy akong titingin sa salamin. Alam ko naman na marami pang mas magaganda dyan kaysa sa akin. Maputi lang ako.

Matapos kong mag-ayos ay nagpunta na ako kaagad sa mall. Dire-diretso lang akong nagpunta sa shop at hinanap ang album ng paramore!

Ngiting-ngiti ako nang makita ko na ang nag-iisang piraso ng album. Great! Mukhang maswerte ako ngayong araw na ito. Pero nang mahawakan ko na ang album ay may biglang humawak din dito.

"Miss." Natigilan ako dahil sa boses na narinig ko. Medyo malalim ang boses nito at parang nang-aakit. Oh no! Hindi ko inisip yun! Wala akong inisip na nang-aakit ang boses niya! "Pwedeng akin na lang?"

Tumingin ako sa kanya at mas lalo akong nagulat dahil tumumbad sa akin ang gwapo nitong mukha. Gwapo? SInong gwapo? MIYUKI! SI JAKE LANG ANG GWAPO AT WALA NG IBA!

"Hindi pwede." Mas tinitigan ko pang mabuti ang mukha nito. Hindi naman siguro masama kung tititigan ko siya. Gwapo naman siya at medyo nakakadagdag ng appeal ang peklat sa kanang bahagi ng pisngi niya. Hindi naman ito mahaba pero saktong mapapansin lang.

"Please?" Ayan na naman ang boses nito! Kung maka-please parang itataya niya ang lahat para lang sa album na ito! Kahit gwapo ka pa, hindi pa rin pwede! Akin lang ang album na 'to!

"Hindi pwede. Ako ang naunang humawak dito."

"Anong ikaw? Ako kaya." Aba! Lokong 'to! Maka-please kanina parang ang bait-bait!

"Hindi kaya!"

"Oo kaya." Sabi pa nito saka ngumisi. Mayabang! Hindi ako madadaan dyan sa gwapo mong mukha!

"Hoy kuya, wala ka bang galang sa babae? Akin na kasi." Pinilit kong hilain ang album mula sa pagkakahawak niya but I failed. Damn him.

"Miss, nakikiusap na nga ako, diba? Kailangan ko lang." Parang nag-uumpisa nang uminit ang ulo nito ngayon.

"Alam mo bang 'yung ayaw? Bitaw na kasi."

"Miss naman, regalo ko sa kapatid ko 'to." Napakagat ako ng labi ko at napansin kong bumaba ang tingin niya sa lips ko kaya agad kong hininto ang ginagawa kong 'yun.

Nagmamatigas pa rin ako at hindi ko pa rin binibitawan ang album, ganun din naman ito ngayon. Ang pagkakaiba lang ay inilabas niya ang cellphone niya at saka may tinatawagan.

"Hoy, KC." Iyan na bang kausap niya ang kapatid niya? "Can't buy that album for you." Tumingin ako sa kanya at parang iritado ito ngayon sa kausap niya. "May nakakuha na ngang iba." Sabi ko nga naiinis na siya. "I'll buy you anything but that... no. Aish!" Mariin itong pumikit at inilayo nang kaunti ang cellphone sa tenga niya. At nang ilapat na niya ulit ang cellphone sa tenga niya ay parang nagulat ito.

"Binabaan ako." He told me. Not sure kung maaawa ako o matatawa ako sa kanya ngayon.

Fine. Fine. Okay na. Ako na lang ang bibili next time.

"Ayan na. Kunin mo na." Sabi ko sa kanya.

"Thanks! I owe you one!" huminga ako nang malalim at pinagmasdan ang papalayo niyang pigura. Nasasaktan ako. Parang may kumukurot sa puso ko dahil napapalayo na sa akin ang paramore album ko. Akin dapat iyon.

Pinanood ko siyang magbayad at nang aalis na siya ay muli itong tumingin sa akin at ngumisi.

Ngumisi siya!

Wait, pinagtripan lang ba niya ako? Ay naman Miyuki! Bakit ka nagpaloko? Nakakainis!

***

Naglalakad ako sa corridor ng classroom namin nang may umakbay sa akin. Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay nito sa akin dahil una sa lahat ay hindi ko siya kilala, pangalawa ay ang kapal naman ng mukha niya!

"Ito naman, teammate ako ni Jake." Pakilala niya.

"So?"

"Ang sungit nito. Pero sinasabi ko na sayo, kawawa ka lang kay Jake, e." Umiiling na sabi nito bago niya ako iniwan. Sira na yata ang ulo niya.

Pagkapasok ko pa lang sa room namin ay napansin ko na agad ang kumpulan ng mga kaklase kong babae. Narinig ko na kaninang may transferee pero hindi ko naman inexpect na big deal sa mga kaklase ko ito. Halata namang iyon ang pinag-uusapan nila ngayon.

Umupo na lang ako sa upuan ko dahil wala rin naman silang balak na isali ako sa circle nila. Binasa ko na lang ang text sa akin ni Jake.

Jake: May bago kayong classmate

So dito pala siya sa klase namin.

Jake: Mukhang may tatapat na sa akin. :)

Ibig sabihin kaya niyon ay lalaki ang bago naming kaklase?

"You're texting your boyfriend again?" Tanong ng kaklase kong si Gail. Pareho kaming walang mga kaibigan sa klase na ito pero ang weird naman kung kami ang magsasama ngayon. Nerd si Gail pero maganda siya. Iyon nga yata ang dahilan kung bakit ayaw sa kanya ng iba.

"Yeah, sa room daw natin siya."

"Talaga?" Tumango ako bilang sagot at hindi na kami ulit nag-usap.

Umayos kami ng upong lahat nang pumasok na ang teacher namin. Agad din na nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kasama niya! Siya yung kahapon! At ang lalaking iyan ay hindi ko mapapatawad! Inagaw niya sa akin ang album!

"Magpakilala ka na sa kanila."

Kampante itong naglakad sa gitna bago ito nagsalita.

"Sino si Miyuki Sharlot Parco?" Napalunok ako ng laway ko ng marinig ko ang pangalan ko. Parang gusto ko na lang lumubog sa kahihiyan ngayon lalo pa't lahat ng mga mata ng kaklase ko ay nakatuon ngayon sa akin.

"So it's you." Litong-lito akong nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko. Bakit niya ako kilala? Stalker ko ba siya? "He told me to keep my mouth shut but, I saw your boyfriend kissing someone." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hindi ko ma-absorb ang sinasabi niya! "By the way, I'm Lance Mariano."

May kahalikang iba? He's kidding, right? He must be!

Hindi ko alam kung concerned ba siya sa akin o gusto niya lang ako ipahiya sa classmates ko. Pwedi ring ginamit siya ng classmates ko para ipahiya ako. So that must be a joke. Eer yeah. That's definitely a joke!

**************

A/N: Huwag niyo na lang pansinin yung mga mali/typo. follow niyo na lang ako sa twittah

Username: aril_daine :)))