Chapter 28

308K 11.8K 12.2K
                                    

#RTG28 Chapter 28

Sobrang natuwa sa akin sina Yago nang magdala ako ng maraming papel sa firm. Hindi ko alam kung bakit issue sa kanila 'to... Nag-order lang naman ako nung umaga tapos na-deliver din agad ng hapon... O hindi nila alam na may online shopping na? Ako nga na apat na taong nasa bukid, alam na 'yun, e...

"You're a gift from above!" sabi ni Yago sabay yakap sa akin. Bond paper lang, e... "Akala ko malapit ng maging bring your own bond paper dito."

Lumapit si Jax para i-check kung meron ba lahat ng size. Sinigurado ko na kumpleto iyon. Si Jax iyong pinaka-mabait nga... pero siya rin iyong mukhang pinaka-mabusisi...

Topnotcher din pala silang tatlo—madalas ko lang malimutan dahil palagi rin silang nag-aaway. Minsan parang nasa daycare ako, e.

"Thank you," sabi ni Jax.

"No problem. May ipapagawa ba kayo?"

"Ah... Si Yago na lang. Patulungan sa drafts. Pa-double check."

Tumango lang ako tapos lumapit na ako kay Yago. Binigay niya sa akin iyong isang pile ng mga papel. Binigyan niya rin ako ng ballpen at sticky notes.

"Ano'ng gagawin ko?" tanong ko. Sabi naman nila magtanong ako kapag hindi ko alam, e.

"Pa-check if may vague na provisions," sabi niya. "Pa-encircle na lang. Tapos kung may iba kang suggestion, pasulat na lang sa border o kaya pa-lagay sa sticky note."

Tumango ako.

Tumingin siya sa 'kin.

"Ah... Kasi kapag may provision na vague, since tayo iyong nagdraft, tayo iyong magsusuffer ng damages kapag nagkaroon ng problema... So, patay tayo sa client," pag-e-explain niya sa akin. Marami pa siyang sinabi. Kinuha niya na iyong pile tapos siya iyong nagcheck tapos pinakita niya sa akin at pinaliwanag isa-isa.

Mabait naman si Yago... bakit kaya pinagtutulungan ni Jax at Iñigo palagi?

"Okay na ba?"

"Yes. Salamat," sabi ko na naka-ngiti.

Ngumiti din siya. "No problem, Atty. Laurel. You'll get the hang of it. Dati sobrang bilis mong ginagawa 'yan, e."

"Talaga?"

Tumango siya. "Yeah... 'Di mo naaalala pero boss ka namin ni Rory, asawa ko," sabi niya na may ngiti. "If you have any question, kahit ano, just ask away... You'd been really nice to my wife back then... I really appreciate that."

Ngumiti na lang ako kahit hindi ko talaga maintindihan kung bakit. Pero gusto ko na rin makilala iyong mga asawa nila... Lagi kong naririnig na pinag-uusapan nila, e.

Pagbalik ko sa condo, medyo nagtaka ako dahil wala si Sean. Hinihintay niya kasi ako na maka-uwi para sabay kaming kumain ng dinner. Lagi niya akong kinu-kwentuhan ng mga ginagawa namin dati. Pinapakita niya rin sa akin iyong pictures—iyong sa kasal namin, bakasyon sa Maldives, pati mga random na pictures na puro kuha sa condo ko raw dati.

Hindi na ako nagdududa na pinakasalan ko siya.

The girl looked... so in love in the photos.

Pumunta ako sa ref para kumuha ng tubig. Pero bago ko pa man mabuksan 'yun, nakakita ako ng note na naka-dikit.

Sob, sorry can't have dinner with you right now. Sammie's in the hospital right now.

Napa-buntung-hininga ako... Dapat kasama niya palagi iyong baby niya, e... Alam ko na nahihirapan siya na nandito siya tapos nasa ibang lugar iyong anak niya... Kasi nakikita ko kina Jax na lagi silang excited umuwi para sa mga anak nila, e. Sigurado ako na ganoon din si Sean.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon