Chapter 34 (12/7/14)

Magsimula sa umpisa
                                    

            “Timi, bakla ba si Ayen?” bulong naman sa akin ni Rika na nagpatawa sa akin.

            “No! Nagbibiruan lang sila. Sayang naman ang itsura niyan kung bakla lang siya. Sadyang mas interesado lang siya sa pagkain kesa sa babae. Kaya nga kaming lahat nagaantay na mainlove ang isang ‘yan eh. For sure hindi na siya makakakain ng maayos.”

            Rika giggled.

            “Ikaw, hindi ka rin ba makakain?” dinig kong bulong sa akin ni Ice sa mula sa kaliwa ko.

            Nilingon ko siya at seryoso siyang nakatingin sa akin. Napangiti naman ako.

            “Isa lang naman ang gusto kong kainin eh.”

            “Ano?”

            “Ikaw,” ngising-ngisi kong sabi. Biglang namula ang buong mukha ni Ice then he cleared his throat. Humarap siya sa bintana at buong byahe pababa sa taal, hindi na niya ako kinakausap.

            “Ikaw kasi Timi, mga biro mo,” saway sa akin ni Rika.

            Ngingiti-ngiti lang ako.

            Eh bakit ba! Sa gustong gusto kong nakikita si Ice na namumula dahil sa akin eh. Mas lalo akong naiinlove sa isang ‘to! Mwahahaha.

            After a few minutes, nakarating na kami sa may dagat at tanaw na namin ang taal. Nag rent kami ng boat papunta doon sa pinaka bundok na aakyatin namin. Nang makarating naman kami doon, pinapili kami kung sasakay kami ng kabayo paakyat sa crater or mag hi-hiking.

            All of us chose to hike.

            Sabi sa amin ng guide namin, mga 30 minutes na pag hi-hike ang gagawin namin bago namin marating ang tuktok at  makita ang pinaka crater ng Taal volcano. Buti na lang at 7:30am pa lang ng umaga. Hindi pa masakit sa balat ang tirik ng araw at malamig ang simoy ng hangin. Medyo mabato nga lang ang dinaraanan namin at may times na makipot ang daanan na one wrong move ay pwede kang mahulog.

            Nauunang maglakad sa akin si Rika habang nasa likuran ko naman pumwesto si Ice. Kaya naman nang muntik-muntikanan na akong matisod sa isang bato, nahawakan ako agad ni Ice sa bewang.

            “Careful. Baka mahulog ka,” sabi niya sa akin.

            Napangiti ako sa kanya, “nahulog na ako. Matagal na.”

            Napailing na lang si Ice habang ngingiti-ngiti.

            “Kinikilig ka?” tanong ko sa kanya.

            “Hindi,” nakangiti niyang sagot.

            “Kinikilig ka eh!”

            “Stephanie Mikael Cruz, wag mong antaying gantihan kita,” pagbabanta niya sa akin pero nakangiti pa rin siya.

            “Excited na nga ako na gantihan mo ako eh!”

            “Hindi uso sa’yo ang pagpapa-demure ‘no?”

            “Gusto mo bang maging demure ako?”

            Hinila ako ni Ice papalapit sa kanya then he kissed my forehead, “I like you the way you are.”

***

            Ang sarap sa feeling nang marating na namin ang tuktok at masilayan na namin ang crater ng Taal. Mahigit thirty minutes din kaming nag stay doon. Kwentuhan, tawanan, at syempre hindi mawawala ang picture taking. Punong-puno nga ang phone ko nang napakaraming pictures namin ni Rika. Bawat parte ata ng lugar na ‘yun, nag selfie na kaming dalawa eh. And while browsing our pictures, biglang pumasok sa isip ko si Erin.

            Mahilig din kaming mag picture dalawa. Mahilig kasi kaming gumala. Masaya na kaming mamasyal nang kaming dalawa lang. At ewan ko ba, parang bigla ko siyang na-miss.

            Sana hindi na lang siya naging bitch.

            May nagiisang picture kami ni Ice sa phone ko. Ang haggard ng itsura ko at hindi ako maka-ngiti ng maayos gawa nang nasilaw ako sa araw. Pero ang gwapo ni Ice dito at ang ganda ng ngiti niya kaya naman hindi koi to dinelete.

            Nang makababa kami sa bundok, dinala kami ni Geo sa isang masarap na Filipino restaurant. Ang sarap ng mga pagkain at ang ganda rin ng ambiance. Para kasing lumang mansion noong Spanish Era ang dating ng restaurant.

            Habang kumakain ay napagusapan namin yung National Battle of the Bands na gaganapin sa summer. Gusto kasing sumali ng EndMira doon. Sikat ang battle of the bands na yun at talaga nga namang nagiging star ang mga nananalo. Malaking break ito para sa EndMira kapag sila ang nanalo.

            Napapatingin ako kay Ice at mukhang interesado rin siya. Medyo magiging mahirap lang sa part nila dahil kailangan din naming asikasuhin ang mga requirements sa kung saan mang university kami papasok next school year.

            Pero ganun pa man, syempre naka-suporta kaming dalawa ni Rika sa EndMira. Naisip ko tuloy, paano kaya kung manalo sila? Mas makikilala sila. Ang gu-gwapo pa naman nila. At pag naging star sila alam ko magiging limitado na ang time namin sa isa’t-isa at magiging limitado na rin ang galaw nila.

            Si Ayen for sure mapipilitan siyang mag diet. Si Jasper naman, hindi na lalandi yan sa mga babae dahil makakasira sa image niya. Si William, paano kung mahalungkat ang past niya about sa ilang beses na pambabasted sa kanya ni Erin. At si Geo, makakayanan niya kaya ang stress ng pagiging isang leader ng banda?

            Si Ice. Si Ice na tahimik at laging seryoso. Mapipilitan siyang ngumiti ng ngumiti at maki-interact sa maraming tao. Yung ngiting ibinibigay niya lang sa taong gusto niyang pagbigyan, mapipilitan siyang ipakita na lang yun ng basta-basta.

            At ngayon pa lang, medyo nag seselos na ako.

            Habang nasa kalagitnaan sila ng paguusap about sa battle of the bands, I excused my self at naglakad ako patungo sa restroom. Kaya lang napahinto ako nang bigla kong makasalubong si Kite.

            “Nandito ka rin?!” gulat na tanong ko sa kanya.

            “Wow. You’re hurting me Timi. Parang ayaw mo akong makita,” naka-ngiti niyang sagot sa akin.

            Napa-hinga ako ng malalim, “Kite, I-I know you like me. P-pero sorry talaga ah? Si Ice talaga ang gusto ko. At lalo na ngayon, alam kong mahal niya rin ako.”

            “Really? He told you he loves you?”

            Umiling ako, “hindi niya sinabi. Pinakita niya.”

            Bigla akong tinignan ng seryoso ni Kite, “pinakita man niya sa’yo ‘yun, wag ka pa rin pakakasigurado Timi.”

            “What do you mean?”

            “Knowing Ice, alam kong hindi niya magagawang iwan o ipagpalit sa iba si Erin.”

            Hindi ako maka-sagot. I want to defend Ice. Alam kong mahal niya ako. Naramdaman ko yun at totoong totoo yun. Ice is not a good liar. Napaka transparent niya kaya alam ko agad kung niloloko niya ako o hindi.

            Alam ko, lahat nang ipinakita niya sa akin ay totoo.

            Tinapik ako sa braso ni Kite, “pinapaalalahanan lang kita Timi. Anyway, I need to go. See you on Monday.”

            To be continued…

***

HAPPY 8M READS FALLERS! <3

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon