Chapter 3

2 0 0
                                        

Yanzy's Point of View

Eto at nagdadada na naman tong si Tyron ... Bakit daw tuwing 3 am eh umaalis ako ng bahay at sobrang daming tanong!

"Pwede ba Tyron hayaan mo na lang ako"

Tamad kong sagot sa kaniya habang busy ako sa pag-stalk kay Samantha sa Facebook

"Alam mo bang delikado yang ginagawa mo?"

I'm busy kaya pasok at labas lang sa tenga ko lahat ng sinasabi niya

"Pinapakinggan mo ba ako?"

Umiling lang ako habang busy pa rin sa pag-save ng magandang pictures ni Sam

"Walang hiya ka talaga! Hindi ako magtataka kapag may pasa yang buong katawan mo pag uwi mo dito"

Ayyyy pusa! ang ganda niya dito ... Save ko to!

"Yanz ano ba yang ginagawa mo?"

Lumapit siya sa akin at agad tiningnan kung ano yung pinagkakaabalahan ko

"Sino yan?"

Tumingin ako sa kaniya sabay ngiti

"Siya si Samantha di mo ba siya natatandaan?"

Tiningnan niya ako sabay kunot ng noo

"Siya ba yung babaeng tumulong sayo sa bar na sinasabi mong siya na?"

Todo tango naman ako at napabugtong hininga lang siya

"Ewan ko sayo .. iba ka talaga mainlove Yanzy"

Umupo na rin siya sa sofa at nakikistalk na rin kay Sam

"Maganda siya pero hindi kasing ganda ni Cassy"

Napahinto ako at naalala ko nung panahong naghihintay ako kay Sam sa paguwi niya pero sa di inaasahan ay nagkita kami ni Cassy.

~Flashback~

Bakit parang ang tagal niya ngayon?

"Yanzy?"

Napahinto ako dahil pamilyar sa akin yung boses na tumawag ng pangalan ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

"Yanzy w-what are you doing here?"

"C-Cassy"

Lumapit siya sa akin and he smile

"Kamusta ka na?"

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko but all I know is nasasaktan akong makita siya

"I'm sorry for everything Yanzy"

Hindi ako sumasagot at nakatitig lang ako sa kaniya

"What are you doing here in the middle of the night?"

Seryosong tanong ko sa kaniya and she smile again.

Paano niya nagagawang ngumiti sa harapan ko?

"Dito kasi nakatira y-yung uncle ko and may emergency lang .... m-may kasama ako yung driver ko .... nakita kita kaya bumaba ako kung ikaw nga yung nakita ko. "

Hindi ko na napigilan at tuluyang tumulo ang luha sa mga mata ko

"I'm sorry Yanzy ... Alam ko nasaktan kita ... Pero believe me or not? Naging masaya ako sa bawat araw na nakasama ka"

Paulit ulit akong umiling sabay titig sa kaniya

"Stop pretending Cassy you just used me"

She start to cry too at dahan dahan niyang kinuha yung kanang kamay ko

Don't Judge HimWhere stories live. Discover now