"Opo ma, girlfriend ko po, si Rain po" my mom's lips slightly parted, her face is hard to read, lalo tuloy akong kinabahan.



"Halika,"sabi ni mama kay Rain,lumapit ng alanganin si Rain, and niyakap siya ng mahigpit ni mama at hinalikan sa magkabilang pisngi ni Rain"thank you, at napagtyagaan mo ang katigasan ng ulo ng anak ko.." she said and natatawa,




"Ma!" I whined, tumawa lang si mama at natawa rin si Rain.


"Nice meeting you po" said Rain "kung hindi ko papo talaga alam kung sino kayo baka isipin ko nakababatang kapatid niyo lang si Natasha"


sus! Buladas pa tong si Bebe ko.

Napasmile si tuloy si mama.


"Nice meeting you too, ganda-ganda mo rin, kasama Mo siya sa trabaho?" Mama asked Rain.



"Opo,"Rain said shyly..


I thought sa reaction ni mama kanina eh hindi niya kami matatanggap.


"Gagabihin si tito Reynaldo mo, kasama si Ryan at Rina, for sure matutuwa sila sa pagbalik mo,
bat hindi nalang kayo dito magstay muna? Papaayos ko ang naging kwarto ng kapatid mo, saka yung ibang mga damit hindi ko naman—"


"Ma—hindi, Wala kaming balak magtagal ni Rain dito, saka isa pa, kailan pa natuwa sakin ang tito Reynaldo at mga anak niya?" I said and medyo umismid.


Napansin ko medyo nalungkot si mama,tiningnan ko si mama sa mukha, may mga wrinkles narin siya,naisip ko tumatanda narin si mama,pero mapostura parin,Natahimik kaming lahat ng ilang segundo ng maramdaman ko nalang ang pagpisil ng marahan ni Rain sa palad ko.



"Tita, ok lang naman po, san po yung kwartong gagamitin namin ngayun gabi?" Rain said, at nakita ko ang biglang pagsaya ni mama.




"Talaga?" Tiningnan niya si Rain at tumingin ulit sakin si mama. I nodded bilang pagsangayon nalang, e ang mahal na reyna ko ba naman ang nagsabi "tara sa taas." Sumilay ulit ang ngiti kay mama at excited na itinuro kay Rain yung dati naming kwarto ng kapatid ko, actually hindi naman ako nag stay ng matagal dito, dahil Nung mag-asawa si mama, at hindi ko nagustuhan ang trato samin ng kapatid ko,umalis na ako agad.
"Dito.." binuksan ni mama ang pinto at pinatuloy kami sa loob ng kwarto, "pinapalinis ko naman ito madalas, pero yung mga gamit ng kapatid mo nandyan parin, ayoko kong mawala ang ala-ala ng kapatid mo." Sabay singhap ni mama, pinipilit hindi maiyak.



Pinipilit ko rin hindi maiyak pagpasok ko sa kwarto, parang bumalik yung ala-ala ko kay Yuna, yung nagkukulitan kami. Yung nagsasabihan ng mga problema.. "magpahinga muna kayo, at magpapahanda lang ako ng hapunan ok?" Said mama and smile, "please make yourself comfortable." Then lumabas na siya ng kwarto.





"Weeww," pailing-iling si Rain habang tinitingnan ang kabuuan ng kwarto, And tinitingnan isa-isa ang mga pictures na nakadikit sa wall at nakapatong sa ibabaw ng drawer. "Ito si Yuna?" She asked, Habang tinuturo yung picture namin dalawa ng kapatid ko.



Umupo ako sa gilid ng kama at ini-stretched ko ang mga paa ko sa carpet.


"Oo.." i simply said.



"Ganda, kamukhang-kamukha mo ah, medyo maamo lang ang itsura niya kesa sayo noh?" tinaasan ko siya ng kilay, saka siya natawa, lumapit sakin si Rain and umupo sa lap ko at pinalupot ang mga kamay niya sa leeg ko "you ok?" She worriedly asked.


I just smiled but didn't reached my eyes "i guess?" I half smile and sigh "i guess it went well?"


Niyakap niya pa ako ng mahigpit,and kiss my cheeks "i love you babe and salamat kasi pinakilala mo ako sa mama mo, although i know na napakahirap para sayo dahil sa mga pinagdaanan ninyo"




To love a star  Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum