Nangangatal ang kamay ko habang inaabot sa kanya iyong carrots. "Sa 'yo na lang, Kuya... this is good for the health."

"Nilaruan mo na iyan, tapos ibibigay mo sa akin?! Leave me alone, brat." Bigla akong itinulak ng lalaki kaya bumagsak na naman ako sa snow.

But this time I didn't cry. Pinilit ko na hindi umiyak kahit iyak na iyak na talaga ako. Nagpatuloy sa paglalakad iyong matangkad na lalaki.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya at buong lakas kong ibinato sa kanya iyong carrots.

Tama sa ulo niya.

"Yey!" napapalakpak ako sa tuwa.

Pero nawala rin ang pagkatuwa ko nang unti-unting lumingon sa akin ang matangkad na lalaki.

"You..."

Bago niya pa ako abutan ay mabilis na akong tumakbo pabalik sa bahay. And when I reached the door, I looked back and faced him. I made fun of my face in front of him. I even stuck my tongue out to annoy him.

Ibinagsak niya iyong carrots na hawak niya at malalaki ang hakbang niyang bumalik sa bahay nila.

Kapapasok ko pa lang sa bahay nang marinig ko si Ate Aliyah na isinusumbong ako kay Mama.

"Mama, lumabas na naman si Shanti!"

"Why? It's okay naman. Basta 'wag daw ako lalayo."

Binuhat ako ni Mama at inayos niya ang magulo kong buhok. "Nakipaglaro ka na naman ba sa bago mong kalaro?"

Umiling ako. "He's not around. But I met someone else. He's so tall..." itinaas ko pa ang kamay ko.

Nanlaki ang mata ni Mama. "Shanti, I told you not to talk to strangers! Paano kung dinala ka pala no'n kung saan?"

Sumilip si Mama sa bintana. "No. He's our neighbor."

Napatitig sa akin si Mama. "You mean... the house beside..."

Tumango ako. "He's very tall and thin. Maybe his mother doesn't cook for him..."

"H-He went outside..." bulong ni Mama.

Ibinaba na ako ni Mama. "Aliyah, tulungan mo munang magpalit ng damit si Shanti."

Hinawakan na ni Ate ang kamay ko, nang sinundan ko ng tingin si Mama, nagmamadali siyang magpunta roon sa kwarto ni Papa kapag nagtatrabaho siya.

Ibinalik ko ang atensyon kay Ate Aliyah. "Ate Aliyah, do you want to build a snowman?"

"No."

***

Nakatulala ako sa harap ng picture frame kung saan kumpleto kami noon. It was winter in Canada. When I was still a teenager, it had been a question for me. How could my father afford a good vacation outside of the country? Hindi naman kami mayaman noon at tama lang ang kinikita niya.

Pero ngayong alam ko na may iba pang koneksyon si Papa kay Keaton, unti-unti ko nang napapagtagpi-tagpi ang lahat.

I guess the past that I remembered answered some of my questions. Masyado pa akong bata noon at hindi alam ang nangyayari. Kaya hanggang ngayon ay hindi rin ako makapaniwala na maaalala ko pa iyon. I almost mistook it as a dream.

But when I asked my mother for confirmation, she later confessed that I was right. Keaton was our neighbor, and we were in the same country at that time because of him.

The Prince Who Built the Snowman (Prince Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon