CHAPTER 9

5.6K 212 227
                                    

Kevin's POV

"Dre mukhang ang lalim nang iniisip mo ah? Anong problema? Uso mag share." Birong tanong sakin ni James, tch alam ko mag uusisa lang to e kahit kailan talaga.

Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa kanya. "Si Angel kasi e, may napapansin akong kakaiba sa kanya para bang may tinatago siya." Wala sa sariling bigkas ko sa kanya habang iniisip ang mga kakaibang kinikilos niya nung mga naka raang araw, agad kong kinuha yung baso ko na may lamang alak at agad na ininom iyon.

Napangiwi nalang ako sa pait at para bang gumuhit ito sa lalamunan ko. Andito kami ngayon sa bar na pag aari nila James at syempre nasa VIP room kami na siyang naging tambayan naming tatlo, sa ngayon ay si James lang kasama ko dahil si Alexander busy daw sa companya nila tch masyadong workaholic ang mokong bakit hindi siya gumaya sakin chill lang. Palibhasa naipamana na ata sa kanya ang kompanya nang pamilya nila, kaya ayun halos dina nakakalabas sa sobrang busy. Buti nga sa ugok na yun.

"Don't tell me niloloko ka ni Angel?" Agad na napakunot yung noo ko dahil mahihimigan mo sa boses niya na nang iinis ito, dahil malapit lang siya sakin agad ko itong binatukan. "Ouch!"

"Gago! Di niya magagawa sakin yun." Pag tatanggol ko naman, alam ko mahal ako ni Angel. Alam ko din na kailanman hindi niya magagawa sakin yun, hindi ako kayang lokohin ni Angel.

"Easy dre haha, nag tatanong lang naman yung tao e." Pag depensa naman nito sakin, kaya halos ayaw ko tong kasama e dahil laging walang kwenta ang lumalabas sa bibig niya tas minsan nagiging isip bata pa. Tch.

Sa totoo lang si Alexander ang lagi kong kasama bago pako nakasal kay Katherine, magkababata kasi kami at halos mag kapatid na din ang turingan naming dalawa sa isat isa. Sumulpot lang naman tong ugok kong kasama ngayon kaya ayan naging tatlo na kami.

"Oo nga pala dre kamusta na asawa mo? Si Katherine, kamusta na siya? Ilang araw kana kayang hindi umuuwi sa inyo loko ka talaga parang wala kang asawang iniwan sa bahay." Seryoso nitong tanong sakin, agad akong natigilan dahil sa sinabi niya. Oo simula nung nangyare yung bagay na yun hindi pa ako umuuwi sa bahay, hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro nabigla ako sa ginawa ko sa kanya? Dahil siguro hindi ko alam kung anong mukha paba ang ihaharap ko sa kanya.

Hindi ko alam, dahil halo halo na ang emosyong nararamdaman ko. May umuusbong na pag sisisi akong nararamdaman, na unti unting napupunta sa pag aalala. Dahil sa takot kong humantong pa iyon sa pag mamahal ay minabuti kong umalis nang bahay.

Isang linggo na din ang nakalipas simulang mangyare ang aksidenteng iyon, hindi ko naman sinasadya. Nabigla lang ako, nandilim lang ang paningin ko. Ganun naman diba pag galit ka? Nakakagawa ka nang bagay na dimo inaasahan.

Sa nakalipas na araw na hindi ko siya nakikita ay pilit kong tinatatak sa isip ko na galit ako sa kanya. Dahil sa pamilya niya ay unti unting nalugi ang kompanyang pinag hirapan nang ama ko, pawis at dugo at nilaan ng mga magulang ko para lang mapalago ito pero simula nang dumating ang mga Mondragon dito sa Pilipinas ay nawala nang parang bula ang mga investors ni Dad dahilan para mahigitan nila kami.

Wala man akong ebedensya na sila ang dahilan kung bakit biglang nawala ang investors ni Dad ay wala akong pakealam, sa totoo lang hindi naman ako talaga ganun kagalit sa kanila pero mas tumindi nalang iyon nang ma arrange marriage kami ni Katherine. Feeling ko plinano nila ang lahat nang to kaya kami nakasal ni Katherine, napaka landi talaga nang babaeng yun.

Agad na dumaloy sa sistema ko ang galit, galit na dahilan para ganito ang trato ko sa kanya. Oo na, mababaw na kung mababaw pero masisisi niyo ba ako? Masisisi niyo ba akong makaramdaman nang ganitong galit? Kung ikaw ang nasa posisyon ko ay makakaramdam ka din nang galit lalo na pag nakikita mo yung ama mong problemado sa kompanyang pinag hirapan niya na unti unti nang lumulubog.

A Women's Pain (Pain Series #1) [ONGOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon