Ubos na po pala yung mga stock ko ng Jerome at Gino.

Grabe, ang lakas ng kita ko sa inyo! Ang daming umorder eh! Hahaha.

By the way highway,  may new product po kami.

Dasho Gino naman.

Expired Jerome, meron din!

-------------------------------------------------------------------------

  

Chapter 8

Mikay’s POV

*After 2 weeks*

2 weeks of hell.

Putek na yan.

Maniniwala ba kayo sakin kapag sinabi ko na hindi ko pa pinapatay si Gino?

Well maniwala na kayo.

Gusto ko man gawin yun, ayoko namang makulong noh!

Nakakabanas lang dahil sa 10 days na tinuruan ko siya, palagi siyang shirtless.

That’s right!

Di ko rin gets kung bakit eh pero ang hula ko, nangaasar siya.

Feeling naman niya makukuha niya ko sa mga ganun ganun niya!

Pfft. As if naman!

Kaso may mas malaki akong problema.

Kinakausap ako ngayon ni Tita Alice kasi bagsak pa rin daw si Gino.

Eh bakit kaya hindi yung anak niya kausapin niya? (-_-)

“Mikay, hindi ko lang maintindihan kung bakit walang pagbabago sa grades ng anak ko. Araw-araw kang nandito pero bakit ganun pa rin? Nag-aaral ba talaga kayo?”

Kung pwede lang sabihin na…..

Ay naku Tita. Yang anak niyo po kasi!

Palaging nakatitig sakin!

Kahit anong gawin ko, hindi siya nakikinig!

Naka-shirtless pa nga po yan! Susme!

Kahit nga po yung mga binibigay kong exercises na pwede niyang sagutan, hindi niya ginagawa.

Matigas ang ulo ng anak niyo!

Kaya siya po yung pagsabihan niyo, hindi ako.

Kaso hindi ko pwedeng sabihin yun….

I'm his TUTOR (kathniel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!