dedication porr -- @SocialNetworkingGeek ;)) 

- - - - 

x65: FINAL CHAPTER. 




[ADRIAN's PoV] 


"Geh. Mauna na kayo sa hotel." sabi ko sa apat kong kaklase pagkababa namin ng bus. 


"Ehh~? San ka pupunta Adrian?" nakapout na tanong ni Jodie. 


"Papasyal ka ba sa piazza? Sama naman ako!" sabi naman ni Shela na yumakap pa sa braso ko. 


"T-Teka! Ako rin!" yumakap din si Jodie sa kabilang braso ko. Tsk. 


"Bitawan nyo nga ko. Ayoko ng may kasama." malamig kong sabi sakanila. 


"TSS.." sabay silang humiwalay sakin. Eh pasensya sila. Wala ko sa mood makipaglandian. 


"Oo na. Mauuna na kami." inirapan pa ko ni Jodie bago sila umalis ni Shela kasama ang isa pa naming kaklase na lalaki. 


Naiwan namang tumatawa sa tabi ko si Khim. Kaklase rin namin toh. 


"Ibang klase rin yung dalawang babae na yun noh? Ilang beses mo na sila pinapahiya pero di pa rin natigil sa paglalandi sayo." sabi nya.


Ngumiti lang ako sakanya. 


"So ano? Sa piazza ka nga ba pupunta? Dun ba ulit sa may coffee shop?" seryoso na nyang tanong. 


"Oo, dun nga.." 


"Mm, sige." tinapik nya ko sa braso. "Basta bumalik ka ng hotel natin bago pa makabalik instructor natin ah!" 


Tumango ako tsaka sya umalis. 


Wala naman akong dapat ipag-alala eh kahit maunahan pa ko ng instructor namin sa hotel. Tropa kaya kami nun. 


Mula bus stop, naglakad na ko patungong piazza. Doon, dumiretso ako sa isang coffee shop-- ang Caffè Destino. 


Naging paborito ko nang tambayan toh. Lagi ko 'tong pinupuntahan twing uwian na namin galing sa pagtour sa iba't ibang historical at religious sites dito sa Rome at sa mga kalapit na bayan nito. 


Naku. Ang dami nang tao. Pero swerte pa rin. May isa pang bakanteng table sa labas. Inokupa ko kaagad ang pwesto na yun tapos umorder ako ng specialty nilang kape. 


Ang sarap lang talaga tumambay dito habang nainom ng kape. Malamig kasi ang panahon dito. Idagdag pa ang magandang view ng isang luma at Katolikong simbahan na matatanaw mo mula dito. Nasa tapat lang yun nitong shop eh. 


Di ako nagsasawang titigan ang simbahan na yan. Talagang nakakabilib eh kung paano nila name-maintain ang pagkaluma ng mga istrukturang tulad nyan. Pag pumapasok ka tuloy sa isang lugar tulad ng simbahan na yan, mararamdaman mo na parang bumabalik ka sa nakaraan. 


Bigla kong tinignan ang relos ko. Passed 5PM na. Ang tagal naman ng hinihintay ko. 


"ADRIAN!" oh, speaking of hinihintay ko. Dumating na rin sya. 


Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang pagtawag na yun ng isang babae. At ayun si MYRA, nakangiting kumakaway sakin. 


Di ko mapigilang ngumiti rin sakanya. Ilang bwan na ang lumipas eh mula nung last time na nakita ko sya. At ngayon, ang laki na ng pinagbago nya, lalo na PHYSICALLY. 


Maganda pa rin naman sya kahit medyo nagkataba na mga pisngi nya. Naging chubby ba. At ang katawan nya, lumaki na. Paano ba namang hindi yun lalaki eh buntis sya. Sa pagkakaalam ko, 8 months na ang pagbubuntis nyang yan sa anak nila ni Jude. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!