Isang lalaki na nagngangalang Skylar Drew Parker, Lumaki siya na malayo sa tao. Hindi dahil sa mahiyain siya, Tingin din sa kanya ay isang weirdo at dahil sa kanyang kapansanan. At dahil dito naging mababa ang tingin niya sa kanyang sarili, nawalan siya ng gana mag school hindi dahil sa tamad siya sa school... kundi dahil sa dami ng takot na nararanasan niya, takot siya makasalimuwa dahil sa kapansanan niya, hindi rin siya makapag usap dahil hindi siya relate at hindi siya makapag usap dahil natatakot makarinig ng panglalait. Pumapasok nalang siya dahil kailangan ngunit nasanay na siya ng ganun na pumapasok nalang para sa pag aaral at walang pakikitungo sa kaklase, Dumating na din sa punto na dahil sa takot niya araw araw sa klase ay naiihi nalang siya sa pantalon at lagi siyang nakakauwi dahil dun. Nakilala na siya sa ganun klaseng tao.. pero walang nakakaalam na takot siya. Nagpatuloy yun at naging manhid na sa panlalait ngunit sa loob ay nanghihina na at binabagsak ang sarili... dumating sa punto na nagkakasala na siya, Pero siya ay isang batang laking church kaya napipigilan niya ito... ngunit nagbabalik balik ito. Nang dumating ang isang gawain ng church (Water Baptism) dun kumilos ang Panginoon sa buhay niya.. kinausap siya ng Panginoon nung oras na yun.. pero dahil sa murang edad at immature pa siya ay nakakabalik sa pagkakasala. Pero dahil sa pakikipag usap ng Diyos dahan-dahang nababawasan ang pagkakasalang iyon. Dahil sa mensaheng naggising sa natutulog niyang puso. May dadating pag-ibig ba kay drew?
Romans 6:23
For the wages of sin is death, but the gift of God is eternal life in Christ Jesus our Lord.
At dahil dito ay nagdesidido na siyang maging lingkod ng Lord ngunit hindi yun naging madali sa kanya dahil nagagawa parin niya ang pagkakasala. Ang taong nagparal sa ate ni drew ay ginamit ng Panginoon para siya ay maoperahan, At siya ay nag graduate ng grade 6, Sa mismong graduation hindi parin ang panlalait sa kanya. Pagdating ng highschool dahil sa takot niya siya ay pumasok ng ilang araw lamang, matapos mapahiya sa pagpasok ng klase ng pang umaga pa pala... next year pumasok siyang muli at dumating ang takot muli.. sa sumunod ganun uli... at tuluyang hindi na pumasok dahil sa takot at lungkot. Isang araw tinanong siya ng kanyang nanay kung okay lumipat ng church malapit sa kanilang tirahan at andun ang kaibigan ng nanay ni drew na kaklase niya ng kinder. Kaya napaisip siya. At nagsabi "Sige ma" at sa sumunod na linggo dun na nga sila dumalo.. at dahan dahan siyang naging aktibo sa gawain ng Lord at tuluyang nagbago.
"Ito ang gusto ko ituro sa inyo wag kayong matakot sa pag aaral, ano man yang problema, just be yourself... ayokong matulad kayo sa akin."
Galatians 5:22-25
But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, forbearance, kindness, goodness, faithfulness, gentleness and self-control. Against such things there is no law. Those who belong to Christ Jesus have crucified the flesh with its passions and desires. Since we live by the Spirit, let us keep in step with the Spirit.
Dahil sa bunga ng Holy Spirit siya ay naging magalak, hindi iniisip ang takot at buong pusong naglilingkod. Dahil dito ay inakala niyang kaya niya ng pumasok sa school. Ngunit hindi parin.... pero hindi na dahil sa takot, kundi nakikita niya ang kanyang sarili sa future bilang full time pastor.. naging mas masaya siya sa pag aaral ng salita ng Diyos at sa paglilingkod, Ngunit sa kabila nito... nagawa parin niyang tumingin sa tao.. napapansin ang gawa ng iba ngunit ang kilos ni drew walang pumapansin.. bumalik uli sa kanya yung takot dahil sa bagay na yun.. dumating sa punto na naglilingkod na lang si drew para mapansin siya ng tao, Ngunit dahil mahal siya ng Panginoon...patuloy na kumikilos ang Panginoon sa kanyang buhay. Ginamit parin si drew ng Panginoon sa pamamagitan ng Salita Niya,Doon ay binigyan ng wisdom si drew para matuto at mahayag ang salita ng Panginoon.. nakakapagsalita Siya sa youth ng turo ng Panginoon dahil sa gabay ng Panginoon. Dahil sa galak ng kanyang puso ang pagtingin sa tao ay nawala na. Nagpatuloy ang kanyang pag hayag ng salita ng Diyos... at nag aral hindi lang salita ng Diyos kahit academic in his own way. Dahil dito ay nadiscover ni drew na siya ay empath, Kaya malayo siya sa tao dahil nauubos ang energy niya pag naabsorb yun at nagiging moody. Dahil kay "Lord" na "Overcome" ni drew ang mga ito at nakaranas ng "Victory" at "Eternal" "LOVE".
"Ang aral naman dito magagawa mong magtagumpay not because of your own, but the help of God, At sa susunod na yung LOVE na inaasahan mo, higit pa dun ang ibibigay sayo"
