22: T.H.

109K 969 30
                                    

PREVIEW:

"She hug me very tight, a hug that takes my mind out of control. God knows how much I wanted to kiss her but I fight my willingness because of this bullshit cowardice!"

Chapter 22: T.H.

Mike's POV

"Bullshit! Nasaan na ba kasi sya?! Ano bang balak nya?! Madaling araw na pero di pa din sya umuuwi!!"

Mali naman kasi sya ng inaakala e! Hindi ko babae yung kasama ko kanina, kapatid ko ‘yun! kakauwi nya lang galing sa U.S. and unexpectedly nagkita kami sa bar ni Runo, malay ko bang dun ang gig nila ngayon!

Nakakainis talaga!! Hindi kasi nagpasabi si Mikah na ngayon pala ang uwi nya e!

Gusto kong lapitan si Gab nung mga oras na ‘yun pero ‘di ko magawa dahil nahihiya ako sakanya, gulat na gulat ako nung nakita ko syang lumabas galing sa backstage, sa simula pa lang ng unang kanta nila titig na titig na ako sakanya kaya naman tuwang tuwa ako ng mahagip ako ng mata nya.

"O pare buti nakarating ka! Akala ko di mo na papansinin yung surpresa ko sayo e!" Bati ni Runo.

"Ano ba kasi yun?! Dalian mo at hinihintay na ako ng asawa ko!" Sigaw ko. Nagtakip naman sya ng tenga, pinaupo nya naman ako agad saka nag-abot ng isang wine.

"May dalawa akong surpresa sayo at malamang kapag nakita mo ‘yun papasalamatan mo ko" Kampanteng sabi nya. Ano nga kaya ‘yun?

"Kuya!!" sigaw ng isang boses mula sa likod ko. Pinihit ko naman agad ang katawan ko at nakit ko si Mikah.

"Mikah?" Tumakbo sya papalapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Kuya I really missed you!" Sabi nya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Bakit ‘di ka nagpasabi? E ‘di sana nasundo kita" Sermon ko pa, nakatingin lang samin si Runo habang nakangiti.

"Aysus! If I know masyado kang busy sa asawa mo! I should have meet her" Tama, busy nga ako sa pagmamahal ko kay Gab. Ngumiti na lang ako.

"O ito na yung pangalawang surprise ko" Sabi nya saka umupo, ewan ko pero parang bigla akong na-excite. Naupo na din kami ni Mikah, nakakapit sya sa braso ko habang nagkukwento ng kung ano ano.

Para naman akong nagyelo sa kinauupuan ko ng biglang lumabas sa stage si Gab, bading na ata ako kung sasabihin kong bigla akong nakaramdam ng kaba, pero ‘yun ang naramdaman ko nung nakita ko sya, hanggang sa nakita na nya ako.

Halatang nagulat sya ng nakita nya ako dahil sa ekspresyon ng mukha nya, kitang kita ko sa mata nya na masaya sya nung nakita nya ako pero biglang nagbago yung expression ng mukha nya, hindi ko alam kung bakit pero parang lumungkot.

"Ladies and gentlemen there's a girl who wants to dedicate this song for her man" Malungkot na sabi nya habang titig na titig pa din sakin, pero bakit?

Binuklat nya ang papel at binasa ang nakasulat "You don't know how much I love you and how much pain I am suffering because of loving you, everytime I see you with another girl my heart breaks into pieces, that's why I dedicate this song for you." Sabi pa nya kaya naman mas lalo akong naguluhan.

Hanggang sa magsimula na syang kumanta, hindi ako makagalaw nung mga oras na ‘yun parang dinudurog ang puso ko dahil sa kalungkutan ng mga mata nya, nakikita ko na syang lumuluha pero parang wala pa din ako sa katinuan para makapagreact sa mga nangyayari, bakit ba sya umiiyak? Bakit ba sya malungkot?

Bed Romance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon