01.

445 17 3
                                    

Kim Chaewon's POV

Damn. Pupuntahan koba to or hindi? Aish. Kainis naman oh. San ba niya nakuha yung number ko?

After 15 minutes na pag iisip, nagbihis naman agad ako at kinuha ung susi ng kotse ko sa taas ng ref.

Madaling araw na pala. Kainis naman. Matutulog nako eh tapos may mag tetext sakin ng ganto?

Ugh kung sino kaman, you owe me a lot.

Pumunta naman ako sa sinabi niyang hotel at pumunta agad sa Counter 2.

Ang daming tao, hindi na ako sanay sa bar dahil mag two two months narin akong hindi nag babar.

Tinignan ko naman lahat ng mga taong nakaupo sa counter na yun.

Napatingin naman ako sa isang babaeng natutulog habang pinapalibutan ng mga lalaki.

Siya ba yun?

Tinext ko muna ito bago puntahan. Nakita ko naman itong napatingin sa phone niya at natulog ulit.

Pinuntahan ko naman agad ito at napatingin sakin ang mga lalaking nakapalibot dito.

Tinignan ko naman ito at di q maiwasang titigan siya.

Ang ganda niya. Kaya pala kanina pa tumitingin tong mga lalaking to na halata mong mga manyak.

"Hey" tawag ko dito pero ginalaw lang nito ang ulo niya. Halatang lasing ito.

"Tara na" aya ko dito at pinilit na itinayo. Hindi ako mapapanatag iwan ito dito lalo na sa mga lalaking to.

"Miss hayaan mona muna, nagpapahinga oh" sabi sakin ng lalaking nakangisi.

"No, uuwi na kami" sabi ko ng naiirita. Halata naman kasing may balak tong mga to.

"Miss hayaan mona, kami nalang maghahatid sakanya" sabi ng kasama nito sabay kindat saakin. Kadiri.

Hindi ko sila pinansin at pilit na ginigising itong babaeng nambulabog saakin.

"Tara na ano ba" sabi ko dito at pilit pa ring tinatayo.

"Hmm" sabi lang nito. Tumawa naman ung mga lalaki sa gilid ko.

"Sino kaba ha? Hayaan mona muna kasi siya. Makulit ka din eh." sabi ng isa pa at nginisian ako.

"Girlfriend niya ako, so pwede ba?" iritang sabi ko dito. Nagising naman bigla itong katabi ko.

"Girlfriend ha wala akong---" hindi kona siya pinatapos at hinila nalang palabas ng bar.

"Taga saan ka? Ihahatid na kita" sabi ko dito kalabas namin ng bar. Hindi naman ito sumagot at nakatingin lang saakin.

"Miss ano ba?" sabi ko dito. Bigla naman itong ngumiti.

Naalarma naman ako ng matotomba na ito. Aish. Nakatulog na talaga.

Pinasok ko naman siya sa kotse at nag drive na pabalik ng condo ko.

No choice, dadalhin ko nalang siya don at dun patutuluhin, kaysa naman iwan ko ito baka balikan pa nung mga gunggong na yun.

Karating sa condo, pinasok ko agad siya at hiniga sa higaan ko. Isa lang kasi kwarto ko dito, hindi naman siya kaso doon sa sofa so no choice ulit ako.

Nakita ko namang umayos ito ng higa at mahimbing na natulog. Napailing nalang ako sa babaeng to. Kinuha ko ung cellphone niya na nasa bulsa niya at nakita kong lowbatt na ito, chinarge ko naman ito.

Nagpalit agad ako ng damit at nahiga na rin, nag lagay nalang ako ng harang sa pagitan namin.

Ugh. Hindi ko expect na may makakatabi akong matulog ngayon, at ang malala pa is hindi kopa kakilala.

DrunkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon