"Gago ka talaga. Pag nahawakan lang talaga kita tamo" asar na pagkakasabi ko sakanya. Pero tuloy-tuloy parin sya sa paghalakhak.
"Oh, Mike. Bat kayo nandito?" pag-angat ko ng ulo ko nandito nga sila asungot na may bitbit na mga pagkain.
"Occupied na lahat ng upuan." Sagot nya kaya pasimple kong nilibot ang tingin ko at puno nga ngayon sa cafeteria.
"Dito nalang kayo umupo, malawak pa naman space namin dito" pagaaya ni Mich kaya naupo na silang tatlo sa mga bakanteng upuan.
"Kumain kana ba?" Bulong ng asungot sa tabi ko. Hindi ko nalang sya pinansin at yumuko nalang ulit.
Wala nakong lakas para makipagtalo pa sakanya ngayon.
pero bigla nyang nilusot yung cellphone nya sa ilalim ko kaya napadilat ako para tignan kung anong kalokohan nanaman pinagagagawa nya.
'Anong gusto mong kainin?.'
Nakatype yan sa notes ng cellphone nya. Talagang humanap pa sya ng paraan para lang itanong yan.
Hindi ko nalang pinansin yon dahil bukod sa masama talaga timpla ng tiyan ko, wala rin akong balak syang kausapin.
Pero mukhang hindi talaga sya titigil sa pangungulit at nilusot nanaman nya yung cellphone nya sakin.
'C'mon tell me. Kailangan mong kumain'
Inangat ko ang ulo ko para tignan sya. Nakita ko naman ang mukha nyang seryosong nakatingin sakin.
"Ayos lang ako. Okay?" Sabi ko sakanya, nagulat naman ako ng tumayo sya at nagmadaling nagpunta sa bilihan ng pagkain.
Halos magsalubong ang mga kilay ko sa pinagagagawa nya.
Bumalik sya sa table namin na may bitbit na plato ng pagkain. Bigla nyang nilapag sa harap ko yung bitbit nyang yon kaya napatigin ako sakanya.
"Bat kapa bumili?, masasayang lang yang pagkain hindi nga ko nagugutom." Sabi ko sakanya pero hindi na nya ko pinansin at kinakain na nya yung pagkain nya.
"Ehem! Ehem!" Napatingin ako sa mga biglang naguubuhan. At talagang sabay-sabay pa sila hah.
Lalakas talaga mang-asar ng mga to.
"ry, kainin mo nayan. Sayo lang nageeffort ng ganyan si boss kaya special yan" sabi ni JL kaya napatingin ako bigla kay asungot.
Tsk, papano kasi magkakaron ng girlfriend tong isang to. Ni pangliligaw nga yata hindi sya marunong?.
Tumahimik narin naman sila kaya napagdesisyunan ko nalang na kainin yung binili ni asungot na pagkain dahil baka masayang.
Pero ilang subo palang nagagawa ko nagsisimula ng magreklamo ang tiyan ko. Napapahawak nanaman ako sa tiyan ko dahil sa sakit.
Ilang segundo pa nakaramdam nako kaagad na parang may bubulusok sa pwetan ko kaya nagmadi nakong tumakbo sa cr para ilabas lahat ng sama ng loob.
Naiiyak nako dahil sa sakit, nahihirapan narin ako dahil tuyot na tuyot na yung lalamunan ko.
"Ryan?, Nandyan kaba sa loob?!" Narinig ko nalang boses ni Michael sa labas ng cubicle habang kumakatok.
"Oo ayos lang ako. Lumabas kana iwan mo muna ko!" Sigaw ko sakanya mula sa labas dahil nahihiya ako sa kalagayan ko ngayon.
Wala naman nakong narinig na nagsalita sa labas kaya tinuloy ko na ang pakikipagtuos sa sarili ko.
Pinipilit ko nang ilabas lahat hanggang sa maging okay na ulit pakiramdam ko. Di nako nagtagal pa sa loob dahil may next class pa kami.
YOU ARE READING
The Only Exception
Romancewhen someone you love becomes a memory, the memory becomes treasure. always remember the happiness that we did together, because I came here just only to leave memories that you can keep for the rest of your life. it's about who stays, not who promi...
Chapter 10 - WTF?!
Start from the beginning
