Pangdalawangpu't tatlo

125K 4.5K 1.1K

PANGDALAWANGPU’T TATLO

Hindi ko alam kung paano ako napunta rito sa kinatatayuan ko ngayon. Ang natatandaan ko pag pikit ko lang ng mga mata ko at sa pagmulat nito, itong napakagandang mundo na agad ang bumungad sa paningin ko. Isang napakagandang kaharian ang nasa aking harapan. Para itong gawa sa isang klaseng diyamante na kulay pula. Kumikinang ito dahil natatamaan ng sinag ng araw. Napakagandang pagmasdan ng kaharian. Ang sarap titigan. Isabay pa ang napakaaliwalas na langit. Sigurado akong wala ako sa mundo ng mga tao. Itong mundo na inaapakan ko ngayon ay iba. Parang may magic. Halatang nasa isang magical world ako.

Amazing. Komento ng mahadera kong konsensya habang nakanganga. Naloka rin siya sa ganda ng nakikita niya. Nasaan tayo, ‘te? Tanong ko sa kanya pero ang gaga inirapan lang ako. Aba, malay. Ba’t ako ang tinatanong mo. Google ba ako, ha, google ba ako? Bitch niyang sagot sa akin. Nyeta ‘to. Kahit kailan hindi naging friendly sa akin.

Hindi ko na siya kinausap dahil wala naman ako mapapala sa punyatera kong konsensya. Kailan ba kami nagkasundo ng gaga na ‘yan? Hindi ko na rin matandaan dahil wala naman ata kaming pinagkasunduan. Bobo, meron. Nagsalita ang konsensya ko. Meron tayong pinagkasunduan. Kapag nakikita natin ang sexy na katawan ni Laxus baby. ‘Yun abs niyang malupit at V-line niyang mabangis. Hindi ba nagkakasundo tayo d’un? Parehas tayong may pagnanasa d’un, e. Tanong niya sa akin. Pinandilatan ko nga siya ng mata. Ulol, ikaw lang ang may pagnanasa d’un. Huwag mo nga muna ako kausapin. Can’t you see I’m busy? Sabi ko sa kanya at inirapan lang ako.

Inilibot ko na lang muli ang mga mata ko sa kakaibang mundo na nakikita ko. Hindi ko maalis sa isipan ko na hindi mamangha sa magical world na nasa harapan ko. Ang aliwalas ng kalangitan na kung saan may iba’t ibang kulay na ulap na malayang lumilipad. ‘Yun mga dahon ng puno iba’t iba rin ang kulay. Para silang sumasayaw dahil sa lakas ng hangin na tumatangay.

“Trevor! Sandali lang! Hahaha.”

“Haha! Iiwanan kita d’yan kapag hindi ka nagmadali.”

Bigla akong napatingin sa likuran ko nang may marinig akong mga nagtatawanan. Pag lingon ko may nakita akong isang babae at isang lalaki na kakaiba ang kasuotan. Katulad ng suot ni Laxus ‘yun suot ng lalaking nasa harapan ko kapag nasa genie mode siya. Habang ‘yun babae naman ay katulad ng kasuotan ni Caspian. Ang pinagkaiba lang nila kulay puti ang buhok ng lalaki at ‘yun babae ay kulay green.

“Puwede bang magtanong?” nakangiti kong tanong sa kanila. “Nasaan ako? Anong tawag sa mundong ‘to?”

Naghintay ako sa sagot nila pero hindi nila ako nilingon na as if hindi nila ako narinig nagsalita. Sinubukan ko ulit silang tanungin ng ilang ulit pero never silang lumingon sa akin. Mga bingi ba ‘tong mga ulaga na ‘to? Muli sana akong magsasalita pero napatigil ako dahil parehas silang tumingin sa akin.

“Mabuti naman lumingon na kayo. Gusto ko lang—“

Napatigil ako sa sinasabi ko dahil bigla silang tumakbo papunta sa akin. Pero ang nakakagulat tumagos lang ako sa kanilang dalawa na parang isa lang akong hangin na hindi nila nakikita. Bakit? Anong nangyayari? Bakit hindi nila ako nakikita? Bakit tumagos lang silang dalawa sa akin? Napatitig ako sa kamay ko at sa buong katawan. Halos manginig ang buong katawan ko nang mapansin kong para akong transparent. Transparent ang buong katawan ko ngayon.

Bigla kong napansin na unti-unting dumidilim ang buong kalangitan. Dahan-dahang nilalamon ng itim na ulap ang maliwanag at maaliwalas na kalangitan kanina. ‘Yun iba’t ibang makukulay na ulap ay natakpan na rin ng mga itim na ulap. Isang matinding trahedya ang pinapahiwatig ng pagbabago ng kalangitan ngayon. Nag-iba rin ang ihip ng hangin. Lumamig ito kasabay ng pag tuyo at unti-unting paglalagas ng mga makukulay na dahon ng mga puno sa kapaligiran.

Jenny and the Magic Arinola (Published Under LIB)Where stories live. Discover now