Chapter Ten

1.3K 91 11
                                                  

Chapter Ten

Inirapan ko siya ng makitang pangiti ngiti na naman siya. Nakatayo siya sa isang pasilyo malapit sa akin.  His arms are crossed while patiently watching me from afar.  

Ang sabi ko kasi sa kaniya ay h'wag niya akong hinahawakan. Wala siyang karapatan!  

Hindi naman ako tanga upang hindi malaman kung anong pinaggagagawa niya.  Iniisip ko lamang kung bakit niyo ito ginagawa.

Ang hirap niyang intindihin.  

I paid my tuition fee and took a photo for my university I.D. Sinabihan nila akong makukuha ko ito after a week.  Sa mismong araw na ng pasukan.  

Muli kong nilingon ang kinatatayuan niya. Nilagay ko ang enrollment paper sa aking envelope bago lumapit sa kaniya.  

Tumaas ng kilay ko ng inilang hakbang lang niya ang pagitan namin.  Umatras pa ako sa pagaakalang hahawak na naman siya sa akin. He chuckled.  Bipolar!  

"Okay. Hindi na nga." 

Umirap ako.  

"Napakasungit mo na naman sa akin. Wala naman akong ginagawa!" tatawa tawang sambit niya.  

Pinaningkitan ko siya. Wala? Napakalakas talaga ng loob ng lalaking ito! 

"Wala talaga?" asar kong singhal sa kaniya.  

Gusto ko sanang idagdag ang mga pinaggagagawa niya nitong mga nakaraang araw ngunit ayaw ko ring pag-usapan kung bakit ako umiyak.  Nakakahiya!  

"You're making me crazy, Via." 

"Ako pa talaga?" niyakap ko ang envelope na dala dala habang naglalakad pabalik ng parking lot.  

Nakasunod lamang siya sa akin. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng suot niyang pantalon habang pangiti ngiti na parang baliw. Gusto kong tanggalin ang mga ngiting iyon dahil lalong nagngingitngit ang kalooban ko.  

"What's your schedule?" tanong niya ng makasakay kami ng sasakyan.  

"Di mo kailangan malaman." pagsusungit ko.  

Nakahinga ako ng maluwag ng maramdaman ang bahagyang paglamig ng paligid dahil sa air-con. Pumikit ako at sumandal. 

Agad dinilat ang aking mata ng naramdaman ang antok.  I can't sleep here.  

"Just rest,  Livia." 

Hindi ko siya pinakinggan.  Nanatili ang tingin ko sa labas ng bintana.  I heard him sigh. Hindi ko na pinagaksayahan pa ng oras iyon.  I'm too tired to think about him and whatever he is doing.  

Mafu-frustrate lamang ako sa kaiisip. Ni hindi ko nga kayang intindihin ang sarili kapag nariyan siya o siguro dahil siya lang naman ang natatanging lalaking nakalapit sa akin ng ganito?  

I never had a boyfriend. I'm not good in dealing with the opposite sex. Maybe it's just new to me kaya ganito? 

"Do you want to eat before going home?" 

Sumulyap ako sa kaniyang direksiyon. He is busy driving. Tutok ang mga mata niya sa daan.  

"Okay." simple kong sagot.

Pakiramdam ko ay susulyap siya sa aking direksiyon kaya't mabilis akong lumingon sa may bintana. Nag-init ang pisngi ko sa pinaggagagawa ko.  

Hininto niya ang sasakyan sa isang restaurant na nadaanan namin. It's one of the famous restaurant here in Tarlac. 

Agad akong lumabas. Bago pa man siya makalapit at pagbuksan ako ng pinto.  Iniwan ko ang envelope na dala dala sa loob ng kotse. Naningkit ang mga mata ko ng maramdaman ang sinag ng araw na pakiramdam ko ay pumapaso na sa aking balat.  

Wrapped (Los Hacienderos #1)Where stories live. Discover now