19 "Dreams Do Come True"

43K 807 28
                                                  

19

"Dreams Do Come True"

CLINIC

Dahan-dahan kong mimulat ang mga mata ko. Una kong nakita ay ilaw sa kisame. Kisame? Paanong nagkakisame sa court?

*FLASHBACK*

"Katy, gumawa ka ng paraan."

"Teka tatawag ako ng tulong."

Puro dugo na ang mga mukha nila Cliff at Tonsi. Nandilim ang paningin ko. Umiikot ang lahat. Napansandal ako kay Katy.

"Torrence, ang bigat mo. Torrence. Torrence."

*END OF FLASHBACK*

Yun lang ang natatandaan ko.

Tumingin ako sa paligid, nakita ko si Cliff.

Bakit nandito sya? Hmmmm. Mali ata yung tanong ko. Bakit nandito kami? Anong lugar ba 'to? Nakita ata ako ni Cliff na gumalaw.

"Gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?" Lumapit sya sa'kin.

Puro pasa yung mukha nya, pero gwapo pa din sya kahit bugbog ang mukha.

"Nasan ako? Anong nangyari?" Sinusubukan kong kumilos.

"Andito ka sa clinic ng uncle ko. Nagcollapse ka kasi kanina." Paliwanag nya habang inaalalayan ako sa pag-ulo.

"Kanina? Oo nga pala, anong nangyari? Pano kayo naawat sa pagsusuntukan?" Pag-aalala kong tanong. Gusto Kong hawakan ang mukha nya kaso nahihiya ako.

"Dumating si coach eh. Inawat kami ni Sebastian tapos nakita ko si Katy pinapaypayan ka habang nakahiga ka sa ground kaya lumapit ako at binuhat kita. Dinala kita dito kay uncle. Hindi ko na alam kung anong ginawa ni coach kay Sebastian. Pero sigurado bukas ako sesermonan nun."

Malumanay lang sya magsalita. Parang music sa pandinig ko yung way nya ng pagkukuwento.

"Ganun ba? Salamat." Pero masaya na din ako kahit paano kasi naturuan nya ng leksyon yung siraulo na yun at dahil to the rescue si Cliff sa'kin kahit di kami close.

Kinilig naman ako dun. Binuhat ako ni Cliff? Sayang at wala akong malay nun. Ang bait naman nya talaga at tinulungan nya ako. Ano ba 'tong iniisip ko.

Napatingin ako sa orasan, 5:45pm na pala.

What?! 5:45? Balikwas agad ako. Mabilis akong tu qui.

"Aray!"

Nabigla ata yung pagbangon ko. Hindi ko napansing may benda yung braso ko. Gawa ata nung pagkakabagsak ko kanina nung tinulak ako nung mayabang na Tonsi na yun.

"Are you okay? Magdahan-dahan ka kasi." Sabi ni Cliff.

Yung totoo? Nag-aalala ba sya sa'kin?

"Kasi late na ko sa trabaho ko. May pasok pa kasi ako ngayon. Kelangan ko nang umalis."

Tumayo ako at kinuha ko yung gamit ko.

"Don't worry. Nagpunta na si Katy sa Rockpile para sabihing hindi ka makakapasok. And isa pa, hindi mo naman talaga kayang magtrabaho ng ganyan yang braso mo." Itinuro nya ang braso ko.

May point nga naman si Cliff.

"Ganun ba?" Malungkot kong sabi.

Sayang naman yung kikitain ko ngayong araw. Kasalanan 'to nung Tonsi na yun eh. Mababawasan tuloy yung bayad sa'kin. Asar. Teka, bayad? OMG! Sino kayang magbabayad dito sa clinic. Grabe naman, sana iniuwi na lang ako ni Katy. Di ko nga nakuha yung 10,000, bakit dinala pa ako dito.

"Ah Cliff, kasi ano─"

Nakakahiya talaga, hindi ko alam paano ko sasabihin sa kanya.

"Kasi wala akong dalang pera ngayon, eh paano─"

Ngumiti lang si Cliff. Parang natawa sya sa sinasabi ko. Grabe, kahit putok na yung lips nya at may pasa sya sa cheek at may sugat sa kilay ang gwapo pa din nya. Ang swerte-swerte ko at kasama ko sya.

"Don't worry Torrence. Ako ng bahala. Si uncle naman ang owner nitong clinic."

"Nakakahiya talaga. Ang bait mo sa'kin. Pero super thank you."

Tahimik lang ang buong room. Hindi na sya ulit nagsalita. Wala na din naman akong masabi. Awkward moment strikes. Naalala ko kasi yung mga kapalpakan ko kay Cliff. But come to think of it, nagiging close kami despite of those kapalpakans. Okay na din naman.

"Uuwi na ko. Para makapagpahinga na din ako ng ayos." Hinanap ng mata ko ang mga gamit ko.

"Do you need a ride? Pauwi na din naman ako." Offer nya sa'kin.

Ang saya ko lang. Parang hindi na din ako nagsisisi na nagcollapse ako kung makakasama ko naman si Cliff ng ganito katagal.

"Huh? Nakakahiya naman. Baka maabala pa kita. Sigurado ng madami ka pang gagawin." Pakipot pa daw ako. Sisi ako nito kapag nagbago isip nya.

"No no no. Okay lang. Baka mamaya mahilo ka pa sa daan, eh mas delikado yun. Wala ka pa manding pera pambayad sa clinic."

Nanunumbat ba sya o nang-aasar? Nag-ooffer ba talaga 'to? Ang sakit huh. Simangutan ko nga.

"Joke lang. So hatid na kita?"

Tumango lang ako at ngumiti. Buti na lang hindi nagbago yung isip nya kasi malamang sasabunutan ko sarili ko.

Dumiretso kami sa car nya na nakapark lang sa harap ng clinic. Ang gentleman lang huh, pinagbukas pa nya ako ng kotse. Feeling princess tuloy ako. Ang haba ng hair ko huh. Pakicheck nga kung abot dyan.

"Wear your seatbelt." Mahinang sabi ni Cliff.

Wow huh, sumusunod din pala sya sa mga ganun. Yung iba kasing katulad nya hindi nagseseatbelt.

Nagseatbelt kami parehas. Tahimik lang ang buong byahe namin. Hindi din naman sya nagsasalita. Wala din naman akong gustong sabihin.

"San ako liliko? Left or right?" Tanong nya.

"Sa left then yung unang kanto dun na ko bababa."

Lumiko sya sa left at wala na ulit ibang sinabi. Hindi talaga sya masalita, ibang-iba sila nung Tonsi na yun na walang alam kundi puro yabang at magyabang. Ih, bakit ko ba iniisip pa yung mayabang na yun. Si Cliff lang ang dapat kong isipin. Tiningnan ko sya habang nagddrive. Kung panaginip man 'to, ayoko nang magising. Promise.

Tumingin sya sa'kin at ngumiti.

"Torrence─"

Nagblush naman ako. Ano kayang sasabihin nya? Ang sarap Lang sa feeling na binanggit nya yung pangalan ko.

"Yes, Cliff?" Tantalizing eyes pa ko, di makapag-intay sa saaabihin nya.

"We're here."

"Yeah. I know."

"Huh?"

Tumingin ako sa labas. Nandito na pala kami sa harap ng bahay namin. Kakahiya na naman ako. Akala ko kung anong sasabihin nya. Ay Torrence, hindi ka na nadala. Ang engot-engot mo talaga.

"Sabi ko nga." Tinanggal ko yung seatbelt ko at binuksan ko yung car.

"Thanks sa paghatid Cliff. Pakisabi din sa uncle mo thank you din." Then sinara ko na yung door ng car.

Umalis na sya ng walang kahit anong sinabi. Ang gulo nya. Minsan hindi ko sya maintindihan. Pero okay na din naman kasi maganda naman ang nangyari. Sana makatulog ako nito ng ayos.

Ang laki pa din ng ngiti ko.

Hala, paano ko ipapaliwanag kay papa ang nangyari? 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon