Akira's POV

"Nakapag pabook ka na ba?" tanong ni Sam. Umiling ako.

"Ha? Bakit naman?" kunot noo niyang tanong. I sighed.

"Dahil ba sa kanya?" napatingin ako kay Sam sabay iwas ng tingin. I feel guilty.

I heard him sigh. "Itutuloy mo pa ba?" tanong niya. I shrugged.

"Di ko alam." sagot ko. Ugh!

Since that day, di na siya naalis sa isip ko. Siguro dahil mali ang akala ko? Dahil kasalanan ko kung bakit kami nagkahiwalay? Dahil tanga ako para hindi pakinggan ang paliwanag niya noon pa?

Haist! Di ko na alam ang gagawin ko. Pero... siguro dapat kong ituloy ang pagalis ko.

I think I really should move on.

"Sam." tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sakin. "Ikaw na magpabook samin." sabe ko.

"Sigurado ka ba?" tanong niya. I sighed and nodded.

"Okay. Bukas na kita ipapabook. Para naman makapagisip isip ka pa." sabe niya sabay tayo at lakad palabas ng kwarto ko.

Napasandal nalang ako sa headboard at minasahe ang ulo ko.

What a life...

***--***

"So? Nagbago na ba isip mo?" tanong ni Candy. Napailing ako.

Nandito kami sa school ngayon. Ipapasa kasi namin ang drop out form namin.

"Hay... akala ko pa naman nagbago na isip mo." sabe ni Candy. Napatingin naman kami ni Sully sa kanya.

"Bakit? Gusto mo pa ba magstay?" tanong ko.

"As much as I remember, gustong gusto mo na umalis dahil kay Lu---UGH!" napatigil naman si Sully sa pagsasalita ng subuan siya ni Candy ng apple sa bibig.

Natawa nalang ako sa ginawa ni Candy. Aysus.

"Manahimik ka nga!" sabe ni Candy kay Sully. Tinanggal naman ni Sully sa bibig niya yung apple.

"Sa lahat ng pwede mo isalpak sa bibig ko e tong apple pa ang naisipan mo!" inis na sabe ni Sully sabay lapag ng apple sa tray.

"Hehehe.... yan kasi ang una kong nahawakan e. Bwahahahahha!" sabe ni Candy. At tumawa pa ang lokaret.

"Aish! Bwiset." sabe ni Sully. Yan, galit na tuloy.

*ring* *ring*

Napatigil naman sa pagtawa si Candy at napalingon sila ni Sully sakin. Tumutunog kasi ang phone ko.

Sam Calling....

ACCEPT/Decline

"Hello?"

["Asan kayo?"]

"School. Ibibigay lang namin ang drop out form namin."

["What? So seryoso ka na talaga?"]

"Yes, Sam. Sigurado na ako. Bakit?"

["You can't. Wag niyo muna ibigay. We'll be expecting vistors, three days from now."]

"What? Visitors? Sino?"

["You'll know soon. Basta wag niyo muna ibigay ang drop out form niyo. Please, listen to me Akira. I have to go. I'll just see you later."]

"O-Okay... bye."

At in-end ko na yun call.

"Ano sabe ni Sam?" tanong ni Sully.

Sweet DespairBasahin ang storyang ito ng LIBRE!