Wala naman siguro masama kung gagawin ko yun di ba? Ma i- try nga malay mo mag work.

Gumawa ako ng isang Love Letter, kung saan doon nakasulat lahat ng nararamdaman ko kay Reimon.

Ito yung nakasulat...

Reimon,

Hello! Alam mo hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. I like you. Crush nga kita ehh. Alam mo ba na ang tawag ko sayo "Prince Charming". Minsan kasi napaginipan kita. Sobra kitang gusto. Promise, mamatay man ako. Umaasa ako na mag rereply ka sa sulat ko.

Love,
Jackie

Inilagay ko sa may locker nya ang sulat. Sana makita nya at sana pagnakita nya magreply sya.

***

Pumunta si Reimon sa locker nya para kunin ang Math Book nya. May nalaglag na sulat mula sa locker nya.Hindi ito ang unang beses. Dahil maraming babae ang naglalagay ng sulat sa Locker nya. Pinulot nya ang papel at Binuksan.

Recess Time.

Nakaupo kami ng mga friends ko sa may hadgan ng builing ng 4th year papuntang Secong Floor. Marami lagi dito. Kasi parang eto yung pinaka tambayan.

"Hoy. Jackie? Kinulbit ako ni Rhona. Inaaninag naming dalawa ang paparating na tao mejo nasa dulo pa kasi yung taong palapit kaya hindi masyadong mamukaan kung sino.

"Oo. Si Reimon nga!" Sabi ko. Shocks. Bakit sya papunta dito?

"Oyy. Friend, baka naman ibibigay na yung reply nya" pabirong sabi ni Jessica.

Napangiti ako sa sinabing yun ni Jessica. Yung ngiting abot tenga.

Sa akin nga lumapit si Reimon at may inabot na Papel. Siguro eto na yung reply nya sa sulat ko. Nakatingin sa akin ang lahat ng estudyante sa tambayan. Yung mga mukha nila parang nagsasabing "ang landi mo" psss.

"Ahh. Salamat nagreply ka, hindi ko inaasahan. Pwede ko na bang buksan?"tanong ko sa kanya.

Tumango lang si Reimon tapos para syang nagpipigil ng tawa. Bakit kaya?

Pagbukas ko nagulat ako kasi ang reply lang nya ay PATAWA KA! ANG TINDI MO! Capslock pa. Ouch! Ang sakit! Di nya tinanggap ang pag ibig ko bagkos tinawanan nya lang ako.

Lumapit sa amin si Vanessa kasama ang mga alipores nyang parang nagtaob sa harina. Pano ba naman Sobrang kapal ng Foundation. Nakita nya yung hawak ko sulat at bigla nya itong hinablot. Dahil parang wala ako sa sarili di ko napansing nakuha nya yung sulat.

Binuksan ni Vanessa ang sulat at walang tigil syang tumawa ng tumawa. Parang wala ng bukas.

"Guys! Look ohh. Binigyan ni Jackie ng Love Letter si Reimon, so childish" pagpapahiya sa akin ni Vanessa.

"Huh? Anong sabi mo? Paki ulit nga?"

Tumingin kaming lahat sa may likod para makita kung sino ang nagsalita at nakita namin si Luis kasama ang mga bangag nyang tropa.

"Ano? Binigyan ng Jackie my loves ko si Reimon ng Love Letter? Tanong ni Luis.

"Oo. eto nga ohh." Sagot ni Vanessa. Sabay abot ng love letter kay Luis.

Parang tanga ang reaksyon ni Luis. Meron yung parang batang iiyak, tapos sabay gugulong sa sahig. Sus. Kung Childish ako? Ano nalanf kaya si Luis. Hahaha.

"Tapos hindi mo tinanggap, alam mo bang pinaghirapan yan ng my loves ko" sabay tayo ni Luis at lapit kay Reimon.

Hindi nagsasalita si Reimon.

"Aba! Bakla ka ba? At ayaw mong magsalita. Duwag ka yata ehh" sabi ni Luis.

Wala pa ring imik si Reimon.

"Ano suntukan?" Hinawakan ni Luis ang collar ng Polo ni Reimon. Inawat ko sila pero ayaw paawat ng bangag na si Luis.

"Pwede ba bitiwan mo ako" biglang sagot ni Reimon at sabay tanggal ng kamay ni Luis na nakahawak sa collar ng polo nya.

"Ano ba ang akala mo? Na may gusto ako sa walang utak ng babaeng yan. Kumg akala mo may gusto ako sa babaeng yan.. NAGKALAMALI KA! Kahit kelan hindi ako magkakagusto sa babaeng yan kahit sya nalang ang nag iisang babae sa mundo. Kahit kelan di lo yan papatulan." Ang sama ng tingin sa akin ni Reimon.

"Ahh. Buti naman pala eh" masayang sagoy ni Luis.

"Ahh. Ganun! Ako walang utak?" Inis kong sabi.

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko di ba?"

Ang sama pala ng ugali nya. Bakit ba ako nagkagusto sa lalakeng 'to. Masyadong masakit magsalita.

"Porket matalino ka, kala mo kung sino ka na?" Sabi ko.

"Oo. Sige na! Tinatanggap ko na matalino ako. Ehhh. Ikaw? Ano ulet pangalan mo? Annie? Annie nga ba? Hindi naman mahalaga yun ehh. Balita ko kasama ka sa apat na estudyanteng MAPUPUROL ANG UTAK" mayabang na sabi ni Reimon.

"Makapang lait 'to wagas. Ano MAPUROL ANG UTAK? Makikita mo lahat ng sinabi mo kakainin mo. Tsss. Makakasama ako sa Top this Grading" nagulat ako mismo sa sinabi ko.

"Pustahan tayo. Malabo yan. Wag kang mangarap ng mataas." Nakangising sabi ni Reimon.

"PAG OO. ANONG KAPALIT?"sabi ko.

"SLAVE MO ' KO FOR 2 WEEKS" hirit ni Reimon.

"2 week lang? Gawin mo na kayang 1 month" dagdag ko.

"Wag na baka malugi ka pa. 2 weeks o 2 weeks? Mamili ka?" Sabi ni Reimon.

"Deal" sabi ko.

Oo. nga pala nakalimutan kong may mga estudyante nga pala sa paligid namin. For sure narinig nilang lahat.

Ang sasama ng tingin sa akin lalo na si Vanessa. Psss. Marami akong narinig na bulungan.

"Nakakahiya sya".

"Asa pa syang makapasok sa top!".

"Babaeng nagbigay ng Love Letter. Eww.".

"Sana ako nalang. Handa akong maging Slave ni Reimon kahit habangbuhay pa".

Psss. Edi ikaw nalang magpaakipin dun sa mayabang na yun. Pero di ko pa din maitatanggi Crush ko pa din sya. Ang Tange ko noh! Grabe sila walang tiwala. MAKAKAPASOK AKO SA TOP! makikita nila. Pag nakapasok ako sa Top, WHO YOU SILA SAKIN!!. Tsss.

Itutuloy...


A/N: Sorry po talaga sa mga wrong type. Sa Cp ko po kasi ginawa.

Sana po basahin nyo pa po.

Pinaghihirapan ko po ito.

Ang Kiss ni Prince CharmingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!