Vendo Machine

76 1 0


CAST:
Jakielyn "Jackie" San Jose - isang estudyanteng apat na taon ng may gusto kay Reimon Bautista, may mabait at maalalahaning ama at kaibigan. Ang babaeng gustong gusto ni Luis Salazar. Isa rin sya sa apat na pinaka mahina sa buong 4th year.

Reimon Bautista - isang mayaman, matalino, at sobrang sikat sa kanilang skul. Maraming babae ang humahanga sa kanya dahil sa likas nyang kagwapuhan pero isa rin syang tipo ng estudyante na di namamansin sa mga taong nasa paligid nya. Yung parang ilag sa tao. Parang ganun.

•Luis Salazar - isang maangas pero mapurol ang utak na estudyante. Isa sya sa apat na estudyanteng pinaka mahina sa buong 4th year, in short kasama sya ni Jakie. Matindi ang pagka gusto nya kay Jakie gagawin nya ang lahat para kay Jakie kahit pa daw itaya nya ang buhay nya. Ang OA noh. Pero sweet :)

***
Naglalakad ako sa may gubat ng may nakita akong isang gwapong nilalang sa may harap ko. Lumapit sya sa akin, yung tipong 1 inch. lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. "HAHALIKAN NYA BA AKO?" Yan ang matinding tanong na utak ko na biglang.....

Kringggggggggg.
Yun ang tunog ng bell.

Huh? Ano? Panaginip lang pala? OMG! Kelangan ko ng magmadali baka malate ako sa next subject ko.

Halos buong subject akong lutang. Yung parang ang layo ng iniisip. Nakahawak ako sa may bandang labi ko habang nakangiti. Para akong nababaliw. Ehh. Pano ba naman naaalala ko yung panaginip ko. Yung muntik na akong halikan ng Prince Charming ko. Si Reimon Bautista. Sya yung napaginipan ko na hahalik sa akin. Parang ang assuming ko nuh? Yae na panaginip kang naman. Pero malabo..malabong mangyari yun. Sino ba naman ako?

"Ohh. Jakie? May problema ba? Kanina ka pang tulala jan" sabi ni mam. Hindi ko napansin si mam. Tssss. Komportable syang tawagin akong Jakie yun kasi ang tawag ng lahat sa akin.

"Ahh... Ahhh.. Ammm.. m-mam w-wala po." Mejo pautal kong tugon kay mam

"Mam, masanay na kayo ganyan talaga si Jackie my loves. Ako ang iniisip nya ehh.. haha"mayabang na sabat ni Luis Salazar. My loves-sin nya muka nya. Tsss. Epal >___<"

"Okey. Sige. Class! Just listen to me first" seryoso biglang sabi ni mam

"Kailangan nyong maghanda sa darating na Mapeh Fest." Dugtong pa ni mam

"Mam. Bakit naman po?" Tanong ng isa kong kulot na classmate. Wow. Makapang lait sa kapwa wagas! Perfect ka? Perfect ka?

"Narinig ko sa ibang teachers na magkakaron daw ng paligsahan at balita ko section one ang makakalaban natin, sabi nila sobrang easy lang daw na talunin tayo. Gosh. Kapal ng Fes. ng adviser nila" mejo galit na pasigaw na sabi ni mam. OMG! ang daming na. Kaloooka! XD

"Ano mam? Madali daw tayong talunin? T-talagang ginagalit ako ahh"galit na sabi ni Luis. Tapos bigla nyang sinuntok yung desk nya. For sure masakit yun. Di lang sya pahalata. Yabang ehh. Hahaha

Ang Kiss ni Prince CharmingBasahin ang storyang ito ng LIBRE!