Kabet Confession Part 1 - Simula nang lahat

193 1 0
                                    

Main Character:

ALEX - Lalakeng 5'8 ang height, makisig ang katawan, lamang ang kaputian kaysa sa pagiging kayumanggi, unat ang buhok na laging nilalagyan ng wax para tumaas. Makahulog panty kapag naglaro ng basketball at nagsuot ng shades. May swag kung pumorma pero hindi naman ganoong kayabang. Tamad mag-aral pero matalino na mataas ang I.q. Maingay at masayahin kapag kasama ang barkada pero tahimik siya sa totoo niyang buhay. Nag-aaral sa UST bilang isang nursing.

Olivia - Babaeng 5'1 ang height, skinny, cup 34A, flat ang puwet,  medyo kayumanggi na hanggang sa mid-waist ang haba na kulot na buhok pero pinaparebond na may kulay na chocolate brown. Matabang medyo mahaba ang muka pero makapal ang kilay. May sariling kagandahang taglay na nadadaan sa pormang chix at make-up. Masipag mag-aral pero hindi matalino. Medyo konnyo pero hindi magaling mag english. Nag-aaral sa Don Bosco bilang isang entrepreneurship. 

Danica - Babaeng 5'4 ang height, sexy, cup 34B, size 37 ang puwet, maputi na mahabang unat na buhok na hanggang sa strap ng bra ang haba na may kulay ombreng brunette > dark brown > golden brown > bleach ang dulo. Matalino, napasok sa eskuwelahan pero may pagkatamad pumasok. Mabarkada maingay at masayahin pero masikretong tao. Nag-aral sa Manila Tytana College bilang isang physical therapist na estudyante ngunit lumipat sa UST bilang isang nursing.

----- SALOOBIN NI ALEX. -----

" First day ko sa school ngayon second year first semester kahit na second week na yung pasukan. Nakakapagod mag-aral at nakakatamad na rin. Hay. Sana magkaroon naman ng thrill ang buhay ko." saloobin ni Alex sa sarili.

Nakita ni Alex ang mga kaeskwela sa hallway na sina RJ, Arwin at Chris kaya nagsabay sabay na silang ngalakad at pumasok sa klase.

"Pare, nakita niyo na ba yung bagong chix sa klase?" interesadong tanong ni Chris. "Oo, ano nga bang pangalan nun? Jessica ba? Nakalimutan ko." Sagot ni RJ. "Talaga? May bago sa klase? maganda ba?" tanong ni Alex. " Grabe ka talaga Alex! Hindi ka pa rin nagbabago! Chixboy ka pa rin!" kanchaw ni Arwin. "Hindi na talaga magbabago tong si Alex habang buhay nang babaero!" sabi ni RJ sabay akbay kay Alex. 

Pagkadating nila sa klasrum hindi pa naibababa ang mga bag ay agad agad nilapitan ni Arwin si Danica at nag sunuran na ang mga kasama niang kaibigan.

"Hi new classmate?" bati ni Arwin. "Hello naman po." sagot ni Danica. "Ano nga pala name mo? Sorry I forgot." nagpapacute na tanong ni Arwin. "Danica Zane Alcantara po. Okey lang bago lang naman ako dito at irregular pa." sagot ni danica. 

'Bakit ka nga pala irregular?" sabat ni Chris. "Ay? Kasi nag shift at transferee ako. Dati akong nag-aaral sa Manila Tytana College as p.t kaya lang pinag shift ako." kwento ni Danica. "Ah. Ganoon pala. Sana maging magkakaibigan tayo ha? Para kasing suplada ka." sabi ni RJ. "Oo naman, hindi naman ako suplada kaya lang syempre tahimik ako wala naman akong kausap." depensa ni Danica.

"May boy friend ka? Ligawan kita." biglang tanong ni Alex. Tumaas ang kilay ni Danica at sumagot na;  "Bakit?!" 

"Naghahanap kasi ako ng girl friend. Gusto mo ba?" sagot ni Alex na payabang. "Party goer ako, malakas manigarilyo, karamihan sa barkada ko lalake at kulang sa tela ako manamit. Okey lang?" mataray na salita ni Danica. "Okey lang! Wala naman akong pakialam." sagot ni Alex habang nilalapit ang muka kay Danica.

"Mayroon akong boy friend. Mister! Kung hindi mo alam hindi ka parang nagshashopping o nagpaskil ng hiring girl friend para makahanap ka lang ng syosyotain mo. Dapat kilalanin mo ng maayos ang babaeng liligawan mo! Kung mag gigirl friend ka lang dahil wala kang magawa mabuti pa wag ka nang mag syota dahil kaming mga babae hindi shampoo na kapag naubos na itatapon na lang ang sachet!" mataray na sagot ni Danica.

Nagkatinginan ng hindi masama si Alex at Danica nang bilang dumating na ang kanilang professor. Pumunta sila sa kani-kanilang mga upuan at nagsimulang makinig.

Habang nagtuturo ang professor sa harapan, si Alex at Chris ay magkatabing nag uusap tungkol sa inasal ni Danica.

"Pare? Narinig mo kanina yung Danica? Ang panget naman ng usal! Akala mo naman kagandahan!" naiinis na salita ni Alex. 

"Pare intindihin mo siya, ikaw naman kasi bigla kang sumabat sa usapan at tinanong kung may boy friend yun tao. Nabigla yun. Kinukuha pa nga lang namin yung loob ikaw naman level 5 na agad tanong mo." Pangaral ni Chris sabay iling.

"H-hay naku pare. Nabastos niya ako." reklamo ni Alex.

"Binastos mo rin naman siya. Sabihin mo ba naman na wala kang pakialam. Natural magagalit yun. Ang dating parang namingwit ka lang ng babae." sagot ni Chris habang nakatingin sa prof.

"Pare wag kang pabigla bigla. Ikaw rin kasi. Dapat ligawan hindi biglain!" Bulong na payo ni Arwin na nakaupo sa likod ni Alex at Chris sabay tapik sa balikat ni Alex.

"Paano ko naman magugustuhan yang lalakeng yan, natutulog sa klase. Walang pakialam kung mahuli ng prof. Hay kabataan nga naman! Ang ingay pa. Para naman akong nasa telenovela na bad boy meets good girl. Good girl talaga ako? Haha.  Kumpara naman sa kaniya good girl talaga ako. Makinig na nga lang ako sa prof kaysa isipin ko ang mayabang na yan." Sabi ni Danica sa sarili.

Pagkatapos ng klase nilapitan ni Alex si Danica.

"Miss? Miss?" habol na tawag ni Alex. "Bakit?" lingon ni Danica.  "Sorry kanina kung nabastos kita." sabi ni Alex. "Okey lang yun. Wala na yun." sagot ni Danica. "Salamat. may kasabay ka ba kumain? Tara kain tayo. Treat ko." nakangiting aya ni Alex. "Pasensya na pero yung boy friend ko hinihintay ako sa gate." tanggi ni Danica. "Ah. Sige, okey lang. Sige ingat kayo." nanghihinayang na sagot ni Alex. "Sige una na ko. MAy naghihintay pa sa akin." sagot ni Danica na naglakad palayo kay Alex.

Makalipas ang ilang araw nagkita na naman si Danica at Alex sa klase nila sa laboratory. Magkagrupo silang dalawa kaya naisip ni Alex na kausapin para makakwentuhan si Danica at maging kaibigan.

"Hi Danica?" bati ni Alex. Tumango lang si Danica.

Umupo si Alex sa tabi ni Danica. "Susunduin ka ng boy friend mo mamaya?" tanong ni Alex.

"Oo. Lagi akong sinusundo nun." sagot ni Danica. "Ah. Gaano na kayo katagal?" tanong ni Alex. "Mga more than 5 years na." sagot ni Danica. "Wow? Tagal niyo naman. B-Baka pwede na kayong magbreak?" sabi ni Alex sabay tingin kay Danica na nagpapacute. Imbes na magsalita si Danica tinignan niya lang ng mataray na tingin si Alex .

"Joke lang. Ito naman jinojoke lang kita. Masyado ka kasing siryoso diyan sa pag focus ng microscope." bawi ni Alex sabay taas ng kamay. "Hindi maganda ang biro mo." inis na sagot ni Danica habang tinutuloy ang pag focus sa microscope. "Sorry na. Ito naman." suyo ni Alex. "Dapat kasi alam mo kung ano ang biro sa siryoso. Dapat alam mo din kung ano ang dapat siryosohin at dapat biro lang." pangaral ni Danica. "Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?" nakakunot kilay na tanong ni Alex.

"Dahil hindi ka maingat sa mga binibitawan mong salita. Ang isang salita sinasdya mo man o hindi, biro man o siryoso pwedeng makasakit ng damdamin ng isang tao. Kaya dapat matuto kang makiramdam." huling pangaral ni Danica sabay walk out. 

"BOOM! BASAG!" kanchaw ni RJ at Arwin.

Nilingon ni Alex si Arwin at Rj ng masamang tingin.

Pagkatapos ng klase sa laboratory ay hindi na pumasok si Alex ng semester. Kaya iyun na ang huling pagkikita at pagtatalo ni Alex at Danica.

Kabet ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon