Bata, Kamalayan ay Buksan

2K 19 4
                                    

Bata, iyong pagmasdan,
ibang kabataan sa iyong kapaligiran.
Sa droga sila ay sumasamba,
ang alak ay kinaibigan na nila.

Ibang kabataan nalulong sa masamang bisyo,
Sila ay nawala sa tamang huwisyo,
Naging salot sa lipunan,
ang bilanguan ang siyang naging tirahan.

Tingnan mo ang buhay na kanilang kinasasadlakan,
Para silang batang ninakawan ng karapatan.
Lumuhod, yumakap sa kamatayan,
Ngayon isipin mo, nais mo rin ba silang tularan?

Bata, ang bilanguan ay parang gapos tanikala,
kahit anong subok mong makawala, wala kang magagawa.
Ito'y nakaukit na sa isipan,
kailanman, hindi mawawala ng tuluyan.

Ang droga ay wag mong subukan,
Kailanman, dala nito'y hindi kabutihan,
Dulot nito'y panira ng iyong kinabukasan.
Iwasan mo bata, nang sa huli ay wala kang pagsisisihan.

Kaya Bata, kamalayan ay buksan.
Sa tama at tuwid na daan ka dumaan.
Wag tangkaing pumasok sa kadiliman.
Para buhay mo sa huli may patutunguhan.

tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon