Chapter 1: Riverside

103 4 2
                                    




A/N: This story may contain a lot of profanities due to the characters' personalities, which will be then explained throughout the story.


Enjoy reading!


***








'You are at the end of the story.'


Agad na napakunot ang noo ko at mabilis na napaupo nang wala na akong ma-scroll pagkatapos ng latest chapter. I even swiped the app para masiguro ko kung iyon na ba talaga ang last chapter ng story na binabasa ko. The chapter's title said epilogue.


Napabuntong-hininga naman ako dahil hindi ko manlang napansin na tapos na pala ako sa story. Napahiga ako at bumagsak ang aking cellphone sa tabi ko. Kumuha ako ng isang unan at tinakip sa aking mukha, saka ako napahiyaw.


"AAAAAAAAA! BAKIT BITIN?! TANGINA NAMAAAAAAN!" I screamed while still covering my face with a pillow.


Kahit na wala akong ibang kasama sa bahay, baka ang mga kapitbahay naman ang magising sa sigaw ko. Mahirap na at baka mapa-barangay pa ako dahil nagsisisigaw ako sa madaling araw. 


Nakakainis naman kasi yung story na iyon! It was already the final story of the series that I've been reading since I started it. The first book piqued my interest and ever since then, I've been read-grinding the whole series for a week. Wait, wala pa nga atang isang linggo. I guess, four or five days? Ewan, nakalimutan ko na.


Basta! Nasabay pang bakasyon ngayon kaya mas lalo akong nagkaroon ng maraming time para magbasa ng magbasa, kahit magpuyat pa ako at hindi matulog. Pero syempre, bawal iyon dahil may trabaho ako.


Tinanggal ko ang unan sa mukha ko at napatulala sa kisame nang bumalik sa isip ko na tapos na ang series na binabasa ko. There's this irreducible emotion residing within me that circulates all over my whole being. I felt empty...and heartbroken. I just finished not just a story, but a whole fucking series.


Of course, some people would see me as exaggerating, pero iyon talaga ang totoo 'kong nararamdaman. It has always been like this. Sa tuwing nakakatapos ako ng mga binabasa ko, there's this melancholic feeling that naturally concurs.


Kasi naman eh! When finishing a book, it also feels like departing from a universe that you once entered, that the exit before you is a sign that there won't be something that you can look forward to anymore.


It also felt like losing a friend, and a part of me has been left within that universe. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ayoko siyang matapos. Ano na ang mangyayari sa future ng mga characters? Ano nang kakaining almusal ng mga bida, at gagawing kagaguhan ng mga kaaway nila? Sa mangyayaring development sa mundo nila? Hindi ko na malalaman kung anong mangyayari sa relationship na meron sila with the other characters, and so much more what-ifs.


Sigh. Nagdadrama na naman ako, palibhasa nakatapos na naman ako ng story. Umayos na ako ng pagkaka-higa at saka tinignan kung anong oras na para mabilang ko kung ilang oras na lang ako matutulog.


"Ay pucha–!" Halos mapigilan ko naman ang sarili 'kong magmura nang malakas nang makita ko ang oras. It was nearly 7 AM and I'm still wide awake!


Napatakbo naman ako sa bintana at inurong ang kurtina na humaharang dito, at halos manlumo ako nang makita ko na may sikat na ng araw sa labas! Hindi ko naman alam kasi gusto 'kong madilim lagi ang paligid kapag nagbabasa ako!


"Hay, lagot na naman ako nito kila mamala!" My hands grasp my hair in frustration. "Kakasabi ko lang na bawal akong hindi natutulog. Tanga mo talaga, Agnes." I almost cried.


Mister Author and I (Wattpad Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon