~Ang Sticky Note part po ay ang mga sariling pananaw ng Author. Ninais niya po itong idagdag para sa kasiyahan. Ito po ay hindi parte ng istorya.
Okaay. Halloween. Ano pa ba edi araw ng mga katakutan. Lahat ng uri ng takot eh sangkot sa araw na to. Pero siyempre, more on paranormal. Tulad niyang multo sa likod mo, yung pakiramdam mo na parang may nakatingin o sumusunod sayo, mga kaluskos at umiiyak na boses, doppleganger, yung mga mabilis na aninong padaan-daan, tao na nadaanan ng mata mo tapos biglang nawala, at marami pang iba. Swerte yung mga hindi pinapakitaan.
Sa totoo lang, di pa ko nakakita. Yung mga kaklase ko tsaka mga kaibigan eh may mga experience na. Sari-saring kwento. Bata sa Science Lab, White Lady sa Third Floor, Katabing Multo sa Classroom, Aleng Biglang Nawala at kung ano-ano pang bersyon.
Para sakin, fear is only in the mind. Once na nagprocess na sa mind, the manifestation is on the body. Either nangangatog ka, nilalamig, napapasigaw, tumatayo ang balahibo, o kinakabahan. Kaya nga laging sabi ng matatanda, "Makakakita ka lang, kapag malamig ang tapak mo sa lupa." Which means, na kung nakadama ka ng takot, saka lang sila nagpapakita. Play of mind lang kumbaga.
Lahat naman tayo eh may kinakatakutan. Ako nga takot sa lumilipad na ipis eh. Haha. Parang mas tama naman atang katakutan ang buhay di ba?
Taong humahabol sayo habang hawak ang palakol, Taong tinututukan ka ng baril, Taong dinidiin sa leeg mo ang hawak na kutsilyo, Taong mangrerape, Taong papatayin ka, Taong nagbabanta na gagantihan ka, atbp. Hindi ba parang mas nakakatakot yang mga yan? Aba, ewan ko na lang kung sino pang di matakot diyan. Haha. Kayang kunin nyan ang buhay mo eh.
Well, bukod sa mga yan, may mga bagay na alam kong nakakatakot din.
Nakakatakot mawalan ng minamahal. Nakakatakot din yung talikuran ka ng mga kaibigan. Nakakatakot na masira lahat ng pangarap mo. Nakakatakot na mabalewala lahat ng pinaghirapan mo. Nakakatakot ding magkamali ng desisyon. Nakakatakot ding umabot sa pagsisisi. Nakakatakot din ang hinaharap. Nakakatakot mawalan ng dahilan para ipagpatuloy mo ang buhay mo.
Kaya pag halloween, mga BUHAY talaga ang nagcecelebrate at hindi ang mga PATAY. Wala nang kabatiran yang mga yan eh. Kung pano kang nabuhay nung sanggol ka na wala kang alam, sa wala ring pagkaalam ka babalik pagkamatay mo. As in wala talagang kayang gawin ang mga namayapa na. Hindi nila kayang tumulong sa tao. At hindi rin nila kayang pasakitan ang tao.
Kaya wag ka nang matakot sa mga pigurang gawa ng isip mo Mas matakot ka dun sa ibang binanggit ko. Tsaka kahit ano namang araw eh pwede mong dalawin yung mga kamag-anak mong namayapa na. Hindi mo kailangang i-fix sa Nov. 1. Dumadalaw tayo para alalahanin sila.
"May takot din na dapat eh lagi kang meron. Takot na hindi dapat mawala sayo. Ang takot sa Diyos." :))
YOU ARE READING
When Writer Meets the Reader
FanfictionDalawa ang mata ko. Dalawa ang mata mo. Kung ipapakita mo sakin ang mga nakikita mo at ipapakita ko naman sayo ang mga nakikita ko, magiging maganda kasi lalawak ang nakikita ko at nakikita mo -- ganundin ang mundo ko at ang mundo mo. Kaya kung may...
