"Ahhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!"


"Cassandra!!!!"


Nagising ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ni Belle.


Nandito na s'ya sa gilid ko at nakahawak sa aking balikat.


Pawis na pawis ako habang hinahabol ang aking hininga. Tumingin ako sa orasan at nakita na alas tres palang ng madaling araw.


"Ano ka ba Cassandra? Napapadalas na ang bangungot mo these past few days ha? nag-aalala na ako sayo." sabi ni Belle at kumuha ng tubig sa kusina.


Another nightmare...


Three days na ang lumipas pagkatapos ng Sky Battle at tama si Belle. Lagi akong nagigising dahil sa parehas na bangungot na 'yun at hindi ko alam kung bakit ayun lagi ang napapanaginipan ko.


Lagi nalang akong magigising ng dahil sa sigaw ni Belle o kaya sa pag yug-yog n'ya. I always end up crying or shouting someone's name.


Ano ba kasi ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Binigay saakin ni Belle ang isang basong tubig na agad kong ininom. After drinking the whole glass of water, I felt weak and sleepy but I was too scared to sleep again after what happened.


"Okay kana? I woke up because of your scream. Your shouting the name 'Helena', three or four times. Who's Helena, Cass?" Tinignan ako ni Belle at sinuri ang kabuuan ko.


Helena...


Sino ka nga ba? Anong koneksyon mo sakin?


"I-i don't know her, Belle. I-it's just that..she's always in my dreams." napayuko ako dahil sa kalituhan. Ano bang nangyayari sakin?


Inangat ko ang tingin ko kay Belle at tinignan s'ya. "Go back to sleep. I'm fine" sabi ko.


Nag-aalangan n'ya akong tinignan bago bumuntong hininga at tumango. "Sure ka ha? I'll go back to sleep. Wake me up if you need something."


"Sige, Belle" sabi ko naman.


Humiga na si Belle sa kama n'ya at maya-maya lang ay tulog na s'ya habang ako ay hindi na dinalaw ng antok pagtapos ko iyong labanan. I don't wanna fall asleep again.


Lagi akong ganito pagkatapos akong gisingin ni Belle. Hindi na ako nakakabalik sa pagtulog dahil natatakot ako na baka 'yun ulit ang mapanaginipan ko.


Helena...


Buong oras akong nakatulala sa bintana at hinintay na magliwanag sa labas. Nang mag alas sais ay naisipan ko ng gisingin si Belle at nagpasya ng maligo.

Incantation Academy : School of Magic (COMPLETED)Where stories live. Discover now