[6] New Deal

814K 14.9K 5.2K
                                    

[7] NEW DEAL

 

KAYE ANNE'S POV

 

TIME CHECK—3:15 PM

 

Naku, ang dami kong homeworks. Ang hirap palang humabol sa one month na lessons. Tapos, kailangan ko pang tumuloy sa NBS ngayon kasi bibili ako ng ilang materials. Nakaka-stress.

Palabas na ako ng E.H.U campus ngayon. Mag-tataxi nalang ako papuntang SM kasi masasayang lang ang oras ko pag itetext ko pa ang driver namin na pumunta dito at sunduin ako. 

"Kaye Anne!"

Napalingon ako para makita kung sinong tumawag. Guess who?

"Uy, Austine." Bati ko nang makalapit siya sa akin. Ang fresh-looking niya right now. Parang kaka-shower pa lang ata niya. Eeeehhhhhh!

"Hi, Kaye Anne. Saan ang punta mo? Uuwi ka na ba?" Tanong niya habang sinusuklay-suklay pa ang buhok gamit ang daliri niya. Cool!

"Ahh, I'm going to buy some materials in the NBS." Sagot ko. Hinawakan niya ako sa braso at itinabi ng bahagya. My gulay! Yung kamay niya, nakuryente ako bigla. 

"Nakaharang tayo sa daan hehehe." Nakangiti niyang sabi. "Well, good thing. Tara, samahan na kita. Ano kasi, i-tretreat na rin kita."

"Lagi mo naman akong trini-treat ehh." Woah!! Foodie.

"At least this time may celebration na." 

Napanguso ako at napakunot ng noo, "Ano namang i-cecelebrate?"

He smiled widely, "Pasado na ako sa try-outs for basketball. I'm now a certified varsity player." Then he winked at me.

I clapped my hands and showed my thumbs up, "Job well done, Austin. Kailangan ngang i-celebrate yan. Tara sa mall..."

A triumphant smile formed his lips, "Well then, let me carry your books." Sabi niya sabay kuha ng libro na hawak ko kaso iniiwas ko naman.

"Wag na, kaya ko naman ito eh." 

"Hindi, ayos lang. Ako na ang magbibitbit niyan or ilalagay ko nalang sa loob ng body bag ko."

"Sige na nga!" I giggled and handed him my 3 books. Inilagay niya naman agad ito sa loob ng bag niya.

"Hi, Kulet..." Nabigla ako ng may umakbay sa akin mula sa kaliwa ko.

Pagkatingin ko sa kaliwa... si pandak pala.

Agad kong tinanggal ang braso niya sa balikat ko at humakbang paatras, "Oh ano na naman?" ~n~

Nanlaki ang mga mata niya at napahawak sa dibdib niya. "Aray naman, kulet. Para namang ayaw mo akong makita niyan. Nakakasakit ka ng damdamin, alam mo ba yun?"

Wow, acting.

Napatingin ako kay Austin na ngayon ay nakatingin ng seryoso kay Nathan. Ibinalik ko naman ang mga mata ko kay Nathan at pinagtaasan siya ng kilay, "What do you need, pandak?"

"I need you." And he winked. "Joke! Hahahaha!"

Pinitik ko nga sa tenga kaya napa-'aw' siya. Nagbelat lang ako sa kanya at humarap kay Austin. "Austin, wait lang ha? Kakausapin ko lang si Nathan." Tumangon naman siya at hinila ko na si Nathan sa di kalayuan. Dito lang sa may bandang garden fence, 2 meters away siguro.

"Hahahaha, bad vibes ka kulet?" Tanong niya sa akin habang nakangiti sa akin ng nakakaloko.

Inungusan ko lang siya at sinapok ng mahina sa braso. Napa-'ow' naman siya, masakit siguro hohoho. "Ang epal mo noh? Bakit ka ba laging ganyan kapag kasama ko si Austin?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon