Chapter Eight

1.2K 88 2
                                                  

Chapter Eight

"Sabi ng Daddy ay sa university malapit sa amin na lamang ako mag-aral. I think he is questioning my ability." Alicia said.

Parang nakikitang ko siyang nakangalumbaba ngayon. That is what she always does when she's frustrated.

"Bakit? Nag-enroll na ako! Akala ko'y kasama kita!" Anika said hysterically.

Napasapo na lamang ako sa aking noo. Mukhang magkakahiwa-hiwalay talaga kaming tatlo. We are on a three-way call. Anika wanted to go back but she can't. Ayaw na siyang pabalikin ng Daddy niya dahil halos isang linggo nalang ay pasukan na.

Pinaglaruan ko ang maliit na bato gamit ang isang paa.

"Plano ko na din namang lumipat sa state university after ng semester na ito." sambit ko.

Lumingon ako sa paligid. Mataas na ang araw ngunit hindi parin natatapos ang pag-aani ng palay.

Anika keeps on talking. Napaka-unfair daw namin. I can't help but laugh at her reaction. Kahit kailan talaga ay napakaingay niya.

"Napakadaya niyo. Ganoon na lamang ba iyon? Baka gusto mo lamang diyan Via kasi mayroon ka ng Alexandro!" huminto ang aking paa sa pagsipa sa bato.

"Anika nga!"

"Boyfriend mo na ba? Ano? Saan kayo unang nag-date, ah?" umiling ako kahit na hindi naman niya ako nakikita.

Narinig ko ang pagtawa ni Alicia sa kabilang linya. Wala atang balak na pigilan si Anika.

Kung alam lang nila. Hindi nga ako pinapansin ng lalaking iyon!

"Hindi kami, Anika. Walang nangyaring ganoon." pagtanggi ko.

Ilang beses akong umirap sa pagkaasar habang inaalala ang nangyari nitong mga nakaraang araw. Lagi rin kasi siyang nasa bukid dahil sabi ng Don ay mas magandang matutunan niya muna ang pagsasaka. Isinasama siya ni Daddy sa bukid.

Daddy asked me to join para matutunan ko daw ng paunti-unti ang bagay bagay. Okay lang naman sa akin dahil gusto ko talagang matutunan ang kaso, iyong lalaking iyon kung makaiwas sa akin ay para akong may nakahahawang sakit. Ni hindi niya ako matingnan! Agad siyang lumalayo tuwing lalapit ako!

Noong isang araw lang ay kung tumitig siya, parang malulusaw na ako. Nakakagigil talaga.

"Umamin ka na nga kasi, Livia Damaris!" pang-aasar pa nilang dalawa sa akin.

"Wala nga kasing ganoon! " giit ko.

"Hindi mo kami maloloko!"

Umirap ako at nag-paalam na dahilan ng lalo pa nilang pangaasar. Wala naman akong aaminin, 'no!

Inayos ko ang sumbrerong suot ko at lumapit sa mga nagaayos ng sako ng palay. Mabuti na lamang at dumating na ang machine na in-order ni Daddy para sa pag-aani ng palay. Mas napapabilis ang mga gawain. Ang kaso lamang ay marami iyong naiiwanan kaya may mga magbubukid kaming namumulot ng mga tangkay na natitira at siyang inilalagay nila sa isa pang sako.

"H'wag na po, Miss. Naku, makati po ito masisira ang balat niyo," sambit ng isang magsasaka namin ng abutin ko ang sako.

"Okay lang po ako." sagot ko.

"Kami na po ang bahala. H'wag na po kayong tumulong baka ho mangitim kayo. " dagdag pa ng isa.

"Hindi po. Okay-"

Napamaang nalang ako ng may kumuha ng hawak kong sako. I gritted my teeth upon seeing him. Bakit siya ay hinahayaan lamang nila na tumulong?

"Can you please move?" napanganga ako ng sabihan niya pa ako ng ganoon.

Wrapped (Los Hacienderos #1)Where stories live. Discover now