6. EX

170K 3.7K 187

Chapter 6

"I AM thinking of you..." Habang nakasandal siya sa kanyang swivel chair at nakataas ang kanyang mga binti sa ibabaw ng desk ng opisina niya.

"In my sleepless solitude tonight. If it's wrong to love you... Then my heart just won't let me be right..."

Nakapikit pa si Ayeza habang kumakanta.

"'Cause I've drowned in you... And I won't pull through tithout you by my side... Hmmmn..."

"Ma'am Yez! Patawag na lang po ba ng taxi?" biglang sumungaw ang mukha ng sekretarya niyang si Suzzy sa pinto.

"Shit!"

Tumawa ito. "In love ang amo ko!"

"Tse! Kasal na nga, eh!" Inirapan niya ito. Umayos siya ng upo. "Panira ka ng moment, eh! Nagko-concert kaya ako!"

"Sorry, hindi ako kumatok, bossing!" Nakangisi itong pumasok.

"Anong nangyari kay Hitler?"

"Wala, eh... sira talaga." Sagot nito.

'Hitler' ang pangalan ng kotse niya.

"Tsk!" Napailing siya. "Sige patawagan mo ako ng taxi mamaya."

"Sige, Ma'am. Tawagan niyo na lang ako kung uuwi na kayo. Pwede rin kitang ipahatid sa service ng company."

"All right!" Itinaboy niya na ito.

Nang mapagsolo siya sa kanyang opisina ay muli siyang sumandal sa sandalan ng kanyang swivel chair.

Kagabi pa siya good mood. Pagkatapos nilang manggaling sa Hacienda Deogracia ay para na siyang nakatungtong sa alapaap.

Imagine that? Ang butihing anak ni Isadora ay ipinagtanggol siya mula sa pamilya nito?

Oh, yeah... Her darling Michael Angelo! Kinampihan siya ng asawa niya laban sa pamilya nito. Kinikilig siya at wala siyang balak maka-move on sa kilig na iyon.

So what kung may kalmot ang mukha niya? No match pa rin sa kanya si Leony.

"Hay, Leony..." Nalungkot siya ng maisip ang dating bestfriend.

Tatlo silang magbe-best friend noong Highschool. Siya, si Leony at si Ava. Nagkahiwa-hiwalay din sila ng doon na siya mag-aral sa states. Ginusto niya ring lumayo noon dahil nga sa super broken hearted siya. Iyon iyong araw na nagbreak sila ni M.A.

Gusto niya nang tuluyang makalimot.

Napabuga siya ng hangin.

After so many years ay narealize niyang mali ang ginawa niyang pag-alis. Sana pala ipinagsiksikan niya ang sarili niya kay M.A. noon... sana siguro hindi ito galit sa kanya ngayon.

'Tanga! Galit na siya sa'yo noon pa!' Sumbat niya sa sarili.

Hindi lang si M.A. ang galit sa kanya... pati si Donya Isadora na dati'y kasundo niya ay galit na rin sa kanya. Nakakalungkot. Sana kaya niyang ibalik ang kahapon...

Iyong mga sandaling para siyang prinsesa ni M.A. Iyong kaunting lambing niya lang ay sinusunod siya ng lalaki. Iyong kahit sabihin niyang tumalon ito sa bangin ay gagawin nito mapasaya lamang siya.

Nakaka-stress ang 'past'!

So dito muna siya sa future!

Balikan ang pagiging 'api' niya at pagtatanggol sa kanya ng kanyang knight in shining armor.

"I'd give my all to have just one more night with you. I'd risk my life to feel... your body next to mine. 'Cause I can't go on living in the memory of our song. I'd give my all for your love tonight..."

Karma Is A Bitch Basahin ang storyang ito ng LIBRE!