Chapter 10

301K 11.1K 5.7K
                                    

#RTG10 Chapter 10

Never in my life had I thought that I'd get married this early... I mean, sure, when I was younger and didn't know better, I thought by the age of 23, kasal na ako... Think about that now, it sounded ridiculous. Ano bang ginagawa ko nung 23 ako? Lumalandi, pumaparty, at nag-aaral. San 'dun ang kasal? Sobrang dami ko pang gustong gawin that marriage became the last thing in my life's agenda. Akala ko around my 30s pa ako mag-aasawa. 'Di naman kasi siya big deal sa buhay ko.

But Sean was right...

When you know, you know.

It was hard to find someone who has the same energy as you—someone who wouldn't make you feel guilty for chasing after your career... kasi ganoon din ang gusto niya. I was so thankful na naiintindihan niya kung gaano ako ka-busy. Things would certainly be different kung hindi niya naiintindihan 'yun.

"Anak," pagtawag ni Papa sa 'kin. I looked at him and smiled. Sa Manila kasi gaganapin iyong kasal. Originally, sa Vizcaya dapat kaya lang logistically speaking, mas mahirap... Kaya naman nauwi kami sa Manila, pero we would provide transportation para sa mga kamag-anak namin na luluwas sa Manila para umattend sa wedding.

Naupo si Papa sa tabi ko. I looked at him, waiting kung ano ba ang sasabihin niya sa 'kin. Close kami ni Papa... pero hindi kami masyadong nag-uusap tungkol sa mga masyadong personal na bagay. Ewan ko. 'Di ko naman masabi na dahil lalaki siya at babae ako kasi kahit kay Mama naman 'di ako nakakapagkwento.

"Sigurado ka na ba dito?" he asked.

"Bakit, Pa?" I asked back.

"Wala lang... Para kasing mabilis."

"Di ba binigay niyo naman blessing niyo?"

Tumango siya. "Oo nga... 'di ko lang inakala na papayag ka agad," he said, giving me a small smile. I saw him sighing. "Kasal ito, Isobel. Panghabang buhay. 'Di ako naniniwala sa mga annulment na kalokohan na 'yan."

I fought the urge to roll my eyes. My father, as much as I love him, is a little too traditional... Mas gusto niya yatang magbugbugan na lang iyong mag-asawa kaysa magpa-annul. Magpatayan na lang kayo basta kasal pa rin kayo. Ridiculous. Life is so fucking short—why stay with someone who's destroying you?

"Di kalokohan 'yung annulment, Pa," sagot ko.

"Wag magpakasal kung hindi sigurado," he replied. "Lalo na kapag na-aprubahan 'yang divorce na 'yan... Lalong magiging 'di seryoso ang mga tao sa kasal. Ang daling takasan."

I closed my eyes and heaved a deep breath.

"Ano'ng point ng pag-uusap na 'to, Pa?" I respectfully asked dahil may gagawin pa ako mamaya at wala akong energy makipagdebate sa tatay ko tungkol sa stand ko sa annulment at divorce.

"Ang point, anak, ay kung siguradung-sigurado ka na ba kay Sean?"

I directly looked into his eyes, so that he'd believe me. "Pa... Sigurado po ako kay Sean. 'Di naman 'yan sa patagalan ng pagkaka-kilala. Kami ni Sean, naiintindihan namin 'yung isa't-isa. He's a doctor and I'm a lawyer. Pareho kaming busy sa trabado namin kaya compatible kami."

"Compatible... Mahal mo ba?"

I laughed. "Syempre naman, Pa! Papakasalan ko ba kung hindi?"

"Baka kako nadaan ka lang sa mukha."

I laughed again. "Syempre, isang factor 'yun, Pa," I said, anchoring my arm with his and sumandal ako sa braso niya. "Mangyayari 'tong kasal na 'to, Pa... And don't worry about me... I know what I'm getting myself into," I assured him... Kasi totoo naman... Alam ko kung ano 'tong pinapasok ko.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon