“Gabi.”
I did not bother looking at Briel dahil alam ko naman na ang susunod niyang gagawin. Last week pa siya hindi matigil sa kakaganyan niya but what's surprising is, I'm not annoyed anymore. Sinusungitan ko lang siya kasi ang cute niyang mapikon.
“Gabi tingin ka sabi sakin.” She demanded for the ninth time kaya labag sa loob akong lumingon sa kanya. She cupped my cheeks before staring directly at my eyes.
“I Like You.” Mariin niyang sabi.
Pucha naman eh. Sinubukan kong 'wag ngumiti kaya napahilamos ako sa muka ko at tinanggal ang pagkakahawak niya sa pisnge ko.
“Hindi ka ba titigil kakaganyan? Baka mapalabas na tayo ng librarian.” Kunwari inis kong tanong. She just giggled sabay flip sa librong binabasa niya kuno.
“Not until you say you like me too.” Pang-aasar niya saka pasimpleng sumulyap sa akin. I rolled my eyes sabay iling iling pa. I'm actually surpressing a smile and I'm somehow, successful.
A wekk after I kissed her, she started doing these things again. Mga korny na pick-up lines, mga banat na gasgas na o 'di kaya diretsong pagsabi sa akin na gusto niya ako.
And I'd be lying if I said na walang epekto yun sa akin.
“Gabi,” Here she goes again. I let out a frustrated sigh before boring my eyes on her.
“Stop.” Banta ko pero ngumiti lang siya ng malawak.
“I like you.”
“I hate you.” I joked. Biglang nanlaki ang mata niya at mapang-asar akong iniling ilingan.
“Your kiss said otherwise.” She smirked.
Bwisit.
Nakangiwi akong sumuko nalang. Wala na talaga akong magagawa sa babaeng 'to. Andito na 'to eh wala nang atrasan. Nahalikan ko na eh. It's quite too late to deny, but it's too early to admit too.
Bumalik lang ako sa pagbabasa at hindi na siya pinansin. May quiz kami bukas kaya kailangan ko nanamang mag-aral. Baka ako pa mabigwasan ni mommy kapag bumaba grado ko. Alangan namang isisi ko kay Briel ang lahat eh wala naman siyang ginawa.
“Gabi gutom na ako.” She hugged my arm saka sinandal ang ulo sa balikat ko. I can see her from the corner of my eyes but I chose not to look at her.
“Ede bumili ka pagkain.” Pagtataray ko pa.
“Ayoko gusto ko ikaw, rawr.” And she started laughing like a maniac again. Hindi ko na talaga alam ang tumatakbo sa utak ng babaeng 'to. Gusto kong isipin na wala siyang utak pero hindi naman posible yun kaya tatahimik nalang ako.
“I may be delicious but I'm not yours to taste. Duh.” Pantataray ko na sinuklian niya ng hampas. Napaka-bayolente talaga ng babaeng 'to. Sakit niya sa bayag.
“Sino bang nagsabing taste lang gagawin ko sa'yo?” She smiled devilishly kaya napalayo agad ako sa kanya. Ano yun? Ano nanamang tumatakbo sa utak ng babaeng 'to.
Nandidiri ko siyang tiningnan pero nginisian niya lang ako saka mapang-akit na kinindatan. Muka siyang tanga kaya tinawanan ko lang siya. Sa tingin niya talaga maaakit niya ako diyan? Duh.

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.