Chapter 7: Ang magaling na Assistant Director

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiling ito. "Nagpapaganda ka, ha? Hindi nagpapalaki ng eyebags. Mahirap maging mataba at losyang, Tonya."

Matagal na siyang losyang at mataba kaya alam niyang mahirap nga.

"Opo nga, Ma."

Umikot ang mata nito. Bumubulong nang umalis.

Humikab uli siya. Pagod na siya pero sandali na lang naman. Kailangan niya lang mag-research naman ng light meals. Mahirap na. Dapat kumakain si Grey.

***

"Sometimes the heart sees what is invisible to the eye," hawak-hawak ni Grey ang sticky note na nakakabit sa kape niya sa opisina. Kararating lang niya sa set. At sandali lang siyang lumabas sa silid ay nasalisihan na agad siya ni Tonya. Pagbalik niya ay may mainit na kape na roon.

Nakatanga pa rin siya sa quote na ayon sa pag-uusap nila ni Tonya ay walang kahulugan. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa ng jeans na suot at binuksan ang internet browser. Sandali siyang nag-type.

"Kay Jackson Brown, Jr.," bulong niya at nag-exit sa browser saka ibinalik ang cellphone sa bulsa. Lalabas na dapat siya sa opisina para ikutin at i-check ang preparasyon sa set nang mamataan ang isang suspetsyosong baunan. May pink na sticky note iyon kung saan nakasulat: Light meal for lunch.

Nilapitan niya ang baunan at iniangat ang takip. Baked macaroni. Pagsilip niya sa bahagyang bukas na pinto ng opisina, nakita niyang humihikab si Tonya.

Bumalik ang tingin niya sa baked mac. Tapos kay Tonya. Tapos sa baked mac. Tapos kay Tonya. Tapos sa sticky note. Tapos kay Tonya.

Wala siguro uling ibig sabihin. That's the deal with the girl. Gumagawa ito ng mga bagay na walang ibig sabihin. Mapupuyat lang siya kaiisip kung bibigyan na naman niya ng kahulugan.

Napailing siya bago sumisipol na lumabas ng opisina niya bitbit ang mug ng kape.

***

Lunch.

"Smooth ang shooting ngayon. Good mood si Direk," sabi ni Boom.

"Ha? Lagi naman siyang good mood ah," sagot ni Tonya.

Nasa staff room silang dalawa. Nagpapalitan ng notes sa mga hawak na call sheets kung saan nakasulat ang schedule ng set-up ng mga props, equipments, at mga artista. Labas-masok ang kung sinu-sino na nagre-recheck ng mga gamit sa shooting. Si Tonya ang may hawak ng call sheets para sa mga artista. Si Boom ang may hawak ng para sa props and equipments.

"Hindi. Iba ngayon, eh. Sumisipol. O nagha-hum nang mahina."

Translation: Good mood si Direk kapag sumisipol o nagha-hum nang mahina.

"Paano kapag hindi siya sumisipol o nagha-hum? Bad mood siya?" usisa niya.

Nakatingin sa kanya si Boom. 'Yong tingin na madalas na niyang makita rito at kay Abo kapag nagsasalita siya o may itinatanong: patagilid at bahagyang nakalayo ang katawan nito sa kanya, kunot ang noo, pailalim tumingin ang mga mata, pero mukhang magbibitiw ng joke ang facial expression.

"Seryoso ka sa itinatanong mo, 'no?" anito.

Tumango siya. Seryoso naman talaga siyang nagtatanong.

"Okay. I'll tell you. Madaling malaman kapag bad mood si Direk kasi makikita sa buong mukha niya na nagpipigil siya ng galit. Madilim na parang langit na may dalang bagyo, gano'n. At halos hindi siya nagsasalita.

" 'Yong suplado mood na bihirang makipag-usap sa kahit na sino, 'yon ang pang-araw-araw na mood niya. Siguro, napansin mo na 'yon."

Tumango si Tonya kahit hindi naman talaga iyon ang napansin niya. Mas pansin niya na guwapo si Direk Grey, may facial hair man o wala. Guwapo, naka-denim jeans o soft jeans man. Guwapo, nakakamiseta o naka-jacket man. Guwapo, puyat, pagod, o walang tulog.

The Late Bloomer (Published under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon