Chapter Five

1.4K 97 1
                                                  

Chapter Five

Namangha ako ng makarating kami sa kanilang rancho. Hindi ko pa napuntahan kahit minsan ang lugar ng mga Altamirano. All I know is that they have the largest land in the province. Their main products are mangoes and flowers. Ang flower garden na pinuntahan namin ay hindi ko magawang ihalintulad sa kanila. 

Si Anika ay agad na nagpaturo ng pangangabayo habang ako’y nasa isang gazebo kung saan kitang kita ko ang mga bulaklak. Hindi ko alam na may ganito kagandang lugar ang mga Altamirano. Naging tahimik ang kanilang pamilya nang ang Don na lamang ang naiwan kaya’t wala na rin gaanong nakakapasok sa lugar maliban sa mga tagapamahala. 

Umihip ang hangin kasabay nitong tinangay ang aking buhok. 

Bumaling lamang ako sa mga kaibigan ng marinig ang pag-tili ni Anika. Tawa ng tawa ang mga kaibigan ni Alexandro. Maging si Alicia ay patawa-tawa sa gilid.

Mukhang natatakot sumakay si Anika. 

Namataan ko si Alexandro di kalayuan sa kanilang mansiyon. May nakasunod sa kaniyang mga naka-unipormeng babae. Muli akong tumalikod at tumingin sa mga bulaklak. Pwede kaya ito sa aming lupain?

“Enjoying the view?” halos mapatalon ako sa gulat dahil biglang may nagsalita sa aking gilid. Sinapo ko ang aking dibdib sa gulat. 

“Sorry. I didn’t mean to,” sambit niya, hindi alam kung saan ako hahawakan para maalalayan. 

Inalo ko ang sarili bago umiwas ng tingin. Naramdaman ko ang bahagyang pag-iinit ng aking pisngi. 

“I’m fine. Nagulat lang ako,” 

Umiwas ako ng tingin. Hindi ko man lang napansin ang paglapit niya sa akin.

Naramdaman ko ang pag-pwesto niya sa gilid ko. Pinigilan ko ang sariling lingunin siya. Hanggang ngayon ay parang nalulunod parin ako tuwing nakatitig sa kaniyang mga mata. 

“I didn’t know that we have this,” he said with his thick american accent. “I grew up in the states. This is my first time in the Philippines and I’m actually loving my stay,” sambit nuya bahagyang tumatawa.

“All of you are from the states?” tanong ko, tinutukoy rin ang mga kaibigan siya. 

“Yup,” 

“I was raised here,” sagot ko. 

I can’t help but look at him. Nakasandal siya sa poste ng gazebo, paharap sa akin. That’s the reason behind his fair skin. 

“You’re lucky, then…” kumento niya. 

Tumango ako. 

I know that. I’m lucky that I was raised in a place like this. May maluluwang na lupain na siyang nagawa kong takbuhan noong mga bata ako. I've experience things that others didn't.

“Are you planning to go back?” kapagkuwan ay tanong ko. 

Hindi siya sumagot. He remained there, silently staring at me. 

“Bakit?” tanong ko. I almost skipped a beat when he smiled. Doon lamang siya umiwas ng tingin. 

“I just find you so pretty” humarap siya sa kanilang flower garden. 

Ilang beses akong kumurap sa sinabi niya. A side smile is still plastered on his face. 

“Thank you.” nahihiyang sambit ko, ramdam parin ang pag-iinit ng aking pisngi. 

"Masungit nga lang," dagdag niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hindi, 'no! Hindi ko lang talaga kayo kilala." I said justifying my actions earlier.

Wrapped (Los Hacienderos #1)Where stories live. Discover now