18 "Court Fight"

41.7K 748 39
                                          

18

"Court Fight"

PARK

On time ako. Nagwawarm up palang sila. Good to know na sila lang yung nandito. Wala yung iba nilang ka-team.

Nakita agad ako nung Tonsi na papalapit sa court.

"Hey, nandito ka ba to support me? How sweet." Buwisit to nagpapacute pa mukha namang daga!

Feeling talaga sya. Ang kapal ng mukha.

"Asa ka pa? Pakialam ko naman sa'yo?" I rolled my eyes. Tinarayan mo sya para malaman nya na wala talaga akong pakialam sa kanya. Talaga namang wala, sino ba sya.

"Yan ang tipo kong babae. Pakipot pa kahit alam kong kinikilig na." Pang-aasar nya ulit.

Duh! Ako daw pakipot? Sa kanya? Kilabutan naman sya sa sinasabi nya. Kainis. Wala bang sasabihin si Cliff? Tahimik lang sya. Anong gagawin ko?

"Cliff."

Lumingon sya sa'kin. Grabe, ang gwapo. Baka makalimutan ko yung dapat kong sabihin. Makakita ka ba naman ng ganitong kagwapuhan eh talagang magkaka-amnesia ka.

"Why?" Suplado nyang sagot.

Lumapit ako sa kanya.

Ang bilis na naman ng tibok ng puso Oo. Heartburn? Palpitation? Or love? Shocks. Hindi ko na madetermine.

"Narinig ko lahat kanina. Look, hindi ko naman sinasadyang marinig. Hindi mo na 'to kelangan gawin. Alam ko namang hindi ka mapagpatol sa mga ganito lalo na sa katulad nya." Tiningnan ko ng masama yung antipatikong daga.

Silence. Silence. And another silence. Hindi sya sumagot. Then after a few seconds he looked at me.

"What made you think that I'm doing this for the sake of your letter? I'm not crazy. This is none of your business. Makakaalis ka na." Then tumalikod sya.

Huh? Ano daw? Hindi ko naintindihan. English kasi. Hindi ko naman sinabing about sa letter yung narinig ko.

"Pero Cliff,narinig ko lahat."

Dire-diretso lang sya sa court na parang walang narinig.

"Torre," sabay akbay sa'kin, "sa'kin ka na lang. Kapag natalo ko yang Cliff mo, ako na ang magiging captain ng team."

Inirapan ko sya tsaka inalis ang mabigat nyang braso sa balikat ko.

"Torrence! Hindi Torre! Isa pa, Hindi ako sampayan ng pata!" Sigaw ko sa kanya.

Kapag eto nakalimot pa sa name ko, mahina talaga ang memory nya.

"Asa ka pang matalo mo si Cliff. At kahit matalo mo sya, hinding-hindi pa din ako kakampi sa katulad mo." Lumayo ako sa kanya. Gusto Kong lapitan ulit si Cliff.

"Tingnan natin. Manood ka kung pa'no ko lampasuhin ang mister perfect mo." Sabay pacute then wink.

Kinilabutan naman ako sa ginawa nya. Ewwww. Lakas ng loob. Talagang binasa nya yung letter ko. Kapal ng pag mumukha. Di na nagtaka na sa sama ng ugali nya may magbibigay ng sulat!

Mukhang hindi ko talaga sila mapipigilan. Ano kayang magandang gawin?

"Torrence!"

Si Katy pala nandito na din.

"Bes, anong gagawin ko?" Lumapit agad ako sa kanya.

"Aba malay ko sa'yo! Kelangan ako lagi ang mag-iisip? Yung utak hindi for display only. Ginagamit yan. Di mo pa nga nagagamit yang sa'yo mapurol na agad!!" Pagtataray nya sa'kin.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon