Chapter Eighteen

323 7 6
                                                  

~Chapter 18~

Rafael's POV

"Ano ba naman kayong dalawa! Kung mag-away kayo para kayong mga bata!".
Sigaw niya sa dalawa na walang tigil sa pagbabangayan simula nang dumating sila.

"It was just a piece of cake tapos pag-aagawan niyo?! Hello! Ang dami pang cake sa mesaa ohh!".

"Alam kong madami pa diyan, pero mas GUSTO ko to..". Sinserong sabi ni Kurt dahilan para muntik ko nang maibuga ang ini-inom kong juice

Mukhang iba ang kahulugan nang sinabi niyang iyon.

"Pano kung sabihin kong gusto ko rin to?". Sinserong sabi rin ni Hyung-sik kay Kurt na pailalim na ang tingin.

"Eh pano kung pareho ko kayong pauwiin?". Agad naman silang napatingin kay Janna ng sabihin niya iyon.

"Arggh.". Atungal niya saka mabilis na tumalikod at pumasok sa loob nang bahay, nandito kasi kaming lahat sa Garden.

"You two". Enrique

"Stop stressing my sister". He said saka linagok ang alak na hawak niya.

Hindi naman umimik ang dalawa pero pareho sila nagpalitan nang masasamang tingin.

Hindi na bumalik si Janna dito kaya napagkasundaan na lamang namin na tumambay na lang muna dito, Si Mommy at Daddy naman ay magpapahinga na daw kaya't tanging kaming mga lalaki na lang ang natira.

Nung una tahimik lang kami hanggang sa mismo si Kurt na ang bumasag sa katahimikan..

"I'm planning to tell her everything soon".
Napatingin kaming lahat sakaniya, napaupo naman ng tuwid si Enrique nang marinig ang sinabi niya.

"Are you fuckin insane? Hindi pa ito ang tamang oras para malaman niya ang lahat!". Galit na saad niya

"At kailan ang tamang oras? Sa susunod na taon? Makalipas nanaman ang tatlong taon?! Maraming tao ang nangungila sakaniya, Mayroon siyang pamilya na naghihintay sakaniya!".

Hindi nagawang makasagot ni Enrique sa sinabi ni Kurt, kahit ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"Hindi... Hindi pa ito ang tamang oras...". Tiningnan ko si Enrique nang sabihin niya iyon, Bakas sakaniyang mukha na hindi niya kayang pakawalan si Janna.

"ENRIQUE! HINDI MO BA NAIINTINDIHAN?! NAGHIHINTAY ANG PAMILYA NI JANNA NA TATLONG TAONG INAKALANG PATAY NA SIYA".

"Kurt calm down". Ako

"HINDI! HINDI PA ITO ANG TAMANG ORAS CLARKSON! HINDI PA ITO ANG TAMANG ORAS PARA MALAMAN NG KAPATID KO ANG LAHAT!".

"Hyung geumanhae jinjeonghae ( Kuya Enrique stop it, calm down)". Hyungsik

"JANNA IS NOT YOUR SISTER!".

*Craaassssh!

"Janna..."

Janna's POV

"Janna...". Kuya Rafa

Napatingin ako sa vase na nabasag ko at nahagip nang mga mata ko ang nanginginig kong kamay. Tumingin ako sakanila saka dahan-dahang naglakad palapit.

Habang papalapit ako nang papalapit sakanila, sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Natatakot ako na baka sa paglapit ko sakanila ay puros kasinungalingan ang maririnig ko.

JANNA IS NOT YOUR SISTER!

How come that i am not his Sister, Kurt? You probably know something about me.

Liars go to Hell(Book 2 of T.D.G)Where stories live. Discover now