Chapter 50

#MunfinCoupleLastMoments


Gino's POV---Joke lang. HAHAHA Mikay's POV


"Date?" Gulat na tanong ni Gino pagpasok namin sa kwarto ko. Pumunta kasi siya dito sa bahay kahit na 7 am pa lang. Nagmadali daw siyang kumain ng breakfast para mapuntahan agad ako at matanong kung bakit umalis daw ako sa bahay nila ng walang paalam.


Sabi ko naman, may pupuntahan kasi kami. Magde-date kami.


"Oo. Magde-date tayo" I declared.


"Anong nakain mo at gusto mong magdate tayo?" Tanong niya habang naglalakad papunta sa kama ko para umupo doon.

Sumandal ako sa study table ko at tinignan ko lang siya.


This is my last day with you, muffin ko.


"Wala naman. Gusto ko lang magkaroon tayo ng magandang memories together..."

"Ahhh. Sige" Tapos humiga siya at sumipol.

"Huy gino! Sabi ko magdedate tayo! Bakit nakahiga ka pa diyan?"

"HA? Ngayon na ba tayo aalis? Ang aga pa ah!" Umupo siya at kita kong nakakunot ang noo niya.

"Ayaw mo yata eh. Okay" Pagtatampo ko.


Maglalakad na dapat ako palabas ng kwarto pero hinila niya ko palapit sa kanya.


"Ito naman, nagtanong lang naman ako. Saan naman kasi tayo pupunta ng ganitong oras? Sarado pa yung mall. Bakit hindi na lang mamaya, mga 10?"


I pouted. "Gusto ko lang naman ma-solo kita. Ayoko dito sa kwarto, gusto ko lumabas lang tayo. Kahit na maglakad-lakad lang"


"Ang weird mo yata"

*gulp*


Hala. Wag naman sanang mapansin niya na may problema ako.


"Hindi. Sige, wag na tayo umalis. Nakakaabala lang yata ako" Lumayo na ko pero hinila niya ulit ako kaya natumba ako sa kama at yakap-yakap niya ako.


"Ikaw ah, ang cute cute moooo!" He laughed and even pinched my cheek.

"Aray! Gino naman----"


"Ayan, mas maganda ka kapag nakangiti ka. Sige, maliligo lang ako. Hintayin mo na lang ako dito, uwi lang ako saglit"


Tumayo na kaming dalawa at pinanood ko lang siyang makaalis.

Mas maganda daw ako kapag nakangiti ako...


*sigh*

Kelan kaya ako ulit ngingiti pag iniwan na kita?

I'm his TUTOR (kathniel)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!