Chapter 24 (Last day)

88 1 0

It is the last day that I will be together with all of my classmates and good teachers.

How sad...

Gusto ko pa sana mapa-haba pa ang pagsasama naming lahat.

Dahil marami na kaming magagandang pinagsamahan.

Yung mga dating tinatarayan kong mga tao, ngayon ay mga matalik ko nang kaibigan.

Especially JP na dinamayan ako nung mga panahong halos araw araw akong umiiyak dahil kay Nat.

Well, hanggang ngayon naman ay umiiyak ako.

Tanga lang talaga diba?

Pero ayos lang yun.

Andiyan naman si JP para pasayahin ako.

Syempre andiyan din ang bestfriend kong si Jennie.

Papasok nga kami ng same university sa pasukan.

By the way, ngayon mismo ay mayroong party ang section namin.

And to the exact, we have a thank you program for all of our teachers dahil hindi kami pinabayaan kahit puro pasaway ang mga estudyante.

This is also the last program that we'll be having together na walang absent at lahat puno ng energy.

Nakilala na rin ang section namin for being unique in every way kaya tinodo na namin for the last time.

Well, kahit papano ay napilit namin ang principal para sa naisip na program ng section namin sa court ng school.

Firstly, kina-usap namin ang SC President about this and pumayag ito on one condition, lahat ng 4th year ay magkakaroon din ng kanya kanyang presentation katulad namin.

All sections made unique ways to say thank you and at the same time, have much fun.

Naging succesful ang presentation ng lahat na halatang pinaghandaan talaga and we made our teachers laugh and cry.

As I was saying, we have a party right now!

Syempre nilubos na namin ang pagpilit sa principal.

Kaya heto, puno ng pagkain ang room.

 Picture dito at picture doon.

Pose dito at pose doon.

Kain dito at kain doon.

May usapan na lahat ay dapat makapagpapicture with every classmate.

Lahat na sila ay may picture na with me.

2 na lang.

Ang magbestfriend.

Si Nat at JP.

Unang picture is with JP.

Obviously, the last is with Nat.

Maayos na rin naman pakikitungo namin sa isa't isa dahil naisip ko noong mga nakaraang buwan na ito na rin naman ang huling pagkakataon para makasama ko ang mga makukulit na taong to.

Kaya tinigil ko na ang pagiging bitter.

"Melody, pwede ba tayong mag-usap ng tayo lang?"

tanong ni Nat.

"Ah sige. Saan ba?"

"Sa garden"

"Sige."

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating na kami sa garden.

Umupo kami sa isang bench.

"Ano na?"

panimulang tanong ko.

"Gusto ko lang malaman mo na nagsisi ako sa ginawa ko sayo dati."

tinawanan ko ang sinabi niya.

"Don't worry. Wala na akong pakielam sa ginawa mo. Ayos na ako sa buhay ko ngayon."

"Basta maghihintay ako sayo."

"Maghihintay? Don't tell me balak mo ako ulit ligawan?"

"Bakit, ayaw mo?"

"Hindi na siguro ako ulit magpapaligaw sa kahit kanino. Nakaka-trauma eh. Baka mangyari pa ulit. Ayoko na."

"Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang nangyari."

"STOP! Ayoko na!"

biglang tumulo ang luha ko.

Bakit hindi ko mapigilan?!

At sa harap pa niya mismo!

"Sisiguraduhin ko na pag nagkita tayo ulit, hindi na ako ang dahilan ng pag-iyak mo"

"Wag na Nat. Sa graduation na ang huling pagkikita natin. Ayoko na talaga. Baka sumabog ako."

"Edi ilabas mo na lahat ngayon dito."

"Hindi ganon kadali yun Nat."

"Suntukin mo ako kung gusto mo."

"Mas okay kung hindi na kita ulit makikita."

at tuluyan na akong umalis.

Why Nat?

WHY?

Bakit ka ba ganyan?

Please itigil mo na yan.

Habang tumatakbo ako, may nakabangga ako.

Si JP.

Niyakap ko siya at saka humagulgol.

Pinatahan niya ako.

At sinabing ayos lang ang lahat.

Thank you at nandito ka JP.

What About Us?  [COMPLETE]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!