Fun Facts!

241K 3.4K 504

Fun Facts:

Hello! Dahil special day ko ngayon, i'll share some interesting facts about FHADGK!

Simulan natin sa story.. (mamaya sa characters and their portrayer! I know you want it *winks*)

Actually, nagstart ang story na 'to nung nagbabasa ako ng Practicing my first real kiss ni @seeyara. Hehehe. Fan ako nung stories niya. I think way back nung fourth year pa ako 'to. Then pinilit ako ni Ynna na magsulat ng story then boom.. nagawa ang FHADGK.

Pansin niyo naman parang related yung title kasi about sa kiss. May mga nagsabi na. Sheet. Nasabihan pa nga ako ng plagiarizer!! Kaloka! Hahaha! But i proved them wrong kasi magkaiba naman talaga. Duh! Nagbabasa ako nung PMFRK noh!! Fangirl ako ni Mark Villareal kaya hindi ko kokopyahin yun. Di ako ganun. Ibang story yun, iba sakin. May Mark dun, may Andrei at Cyriel ako :)

About sa title.. hmm. Ang daming nagsabi na catchy ang title ko. MALAMANG CATCHY YAN!! Shrek ako! Alam ko kung pano mag isip ang mga kalahi ko. Wahaha! Mga ganyang title ang pupukaw sa atensyon niyo. Wahaha! Galing ko noh? Actually, sweet vengeance talaga title dapat nito. Kaso wag na kako. Nabenta na yung ganun. Lang dating. Haha! Kahit ako reader, hindi ko babasahin yun. Maarts kasi ako. Pag panget title, hindi ko babasahin. 

May nagsasabi na baka daw puro ka shrek-an yung laman nito. Hindi naman ah!! Nung first book yun. Hehehe. Hindi ko nga binabasa yun eh. Nawweirduhan ako pag binabasa ko lalo na yung kissing scenes ng Dandy!! It feels so weird! Hahaha.

Side story? meron yan! Hahaha. Kim and Clarence's? Bad Girls Found Out by @damselinvain at For Hire: Bad Girl for a GirlFriend by @Chelsea_13 maganda pareho yan! Swear!

About sa characters.. tantananannnn. Let's begin with the minor ones.

1. Lynne Trinidad- ang swerteng swerteng ex ni Andy. Siya po ay totoong people. Punta kayo sa groups ng Dandy, andun siya. Hahaha! Si Lynne ay isa sa first friends ko sa cyberworld. Labey ko yan eh! Hehehe. Mali nga yung apelido ko, tanga ko lang kasi. Hurhur. Anyways, she played an important role dahil kung hindi sa kanya, hindi magiging sexy badboy si Andybebe! Hahaha! Let's thank her. Bow.

2. Ariza Domingo- ang napakaganda, napakatalino, napakasexy, napakabait, napakahot, napakacharming, at napakagorgeous na first love ni Cyrielbebe at ex ni Clarencebebe. Hahaha! Basta, maniwala kayo sa sinasabi ko!!

3. Jarred Bautista- ewan ko. In love ako sa pangalang Jarred dati pa eh. Hahaha! Aaminin ko, hindi ko masyadong napag isipan ang character niya kasi hindi naman siya ganong importante. Hahaha! Ang sama ko. Pero supeeeer minor role lang naman siya kaya keri lang. Basta ang dapat, isa siyang jerk for leaving Dana for that pathetic reason. Gumana naman, dibuh?

4. Nof Salvador- si Nof Salvador ay isa pong totoong tao. Hindi nga lang Salvador ang last name niya kasi middle name niya to. Classmate ko nung 4th year yan. Hehe. Tiga FEU. Ang daldal ko. Hindi naman siguro niya to mababasa. Wahaha! Basta, hindi naman siya weird kagaya ng nilalagay ko. Ewan ko lang din kung may sadistic tendencies siya. Pero secret lang 'to.. ex niya talaga si Dave. Hihihi.

FHADGK 2: Good Girl Gone Bad (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!