Chapter 6: Facing Darkness

961K 29.2K 3.7K
                                                  

Chapter 6: Facing Darkness

Ethan's POV

"Ano na? Hindi ba natin sila pipigilan?" tanong ni Cain.

Bumuntong hininga ako. "Ang tanong ay kung mapipigilan ba natin si Gin?" sagot ko.

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Cain. "'Tol, babae yon. Bago lang si Shia. Hindi niya alam ang kayang gawin ni Gin."

"That's the point." I muttered. "Kaya wala siyang pakialam. We all know that Gin can't tolerate that kind of behavior."

Victoria rolled her eyes. Nagsalita siya sa unang pagkakataon mula nang matigilan siya dahil sa eksenang nangyari sa Hall. "Let them be. That Shia needs to learn her lesson." she said. "The hard way."

Pero alam ko ang iniisip naming lahat. Magiging malaking gulo ito. At hindi namin gustong magkaroon ng gulo lalo na at sunod sunod ang naging problema ng grupo nitong mga nakaraang lingo. Kung kailan naman malapit na ang Cup. Wala sa plano namin ang masayang ang mga pinaghirapan namin at ma-disqualified.

"We need to stop them."

Napatingin kaming lahat kay Corrine na kanina pa tahimik. Nakatingin siya sa kabilang dulo ng Hall kung saan nakaupo si Shia kanina bago siya hilain ni Gin. Nasa ganyang position na siya kanina pa. Hindi gumagalaw. Para bang may malalim na iniisip. Hindi din siya nag react noong magbago ang direction ni Shia at Gin at lumabas sila sa Hall.

"What do you mean?" tanong ni Cain. Iba na kasing usapan kapag si Corrine ang nagsalita.

"And how would we do that?" answered Victoria. "We all know that Gin will never let us. Hindi siya sumusunod sa kahit kanino. Even you."

Corrine's expression flinched pero mabilis din itong bumalik sa dati. Napakamot ng ulo si Cain. Victoria could be really straight forward. Wala siyang sinasanto.

"We need to go to Miss Aura or Sir Apollo." sabi ni Corrine. Humarap siya sa amin with a look that seems she's trying hard to keep herself together.

"Bakit?" tanong ni Cain. "May mangyayari bang masama?"

Corrine nodded. Siya lang ang nakaka alam ng pwedeng mangyari. Kaya sa kanya nakasalalay ang decision namin na sumalungat kay Team Captain.

"Yes." she answered firmly. "Especially to that girl, Shia."





















Shia's POV

Napalunok ako habang pinagmamasdan ang kapangyarihan ni Gin. Ito ba yung ability na narinig ko dati pa? Siya ba ang may hawak ng ability na yun? Napaatras ako pero hindi ko pinahalata kung gaano ako natigilan. The room which is made of hard stone and steel is now being slowly swallowed by empty darkness. At nang gagaling ang itim na bagay na yun mula sa parte ng sahig na tinatapakan ni Gin.

Bigla akong nagpanic. Unti unting lumalapit ang itim na bagay sa kinatatayuan ko. Napatingin ako sa mga obstacle course at weapon sa kwarto na biglang naglaho noong tinamaan ng itim na liwanag. The ability of darkness. He controls the freaking ability na dapat hindi pinapayagan sa bayan ng Hesperia. He is supposed to be THE criminal. His ability is illegal.

Maingat akong umatras palayo sa bagay na yun. Hindi na dapat ako pumayag in the first place. Binigyan na niya ako ng chance kanina. Hindi na dapat ako nagmatigas. Mula sa kinatatayuan ko napansin ko ang hiwa na ginawa ng dagger na hawak ko sa side ng mukha niya. Tumutulo ang dugo mula dito.

A few minutes ago hindi ganito ang sitwasyon. A few minutes ago it was all a physical fight. Sinabi niyang isang dagger lang ang kailangan niya para matalo ako. He doesn't even need his ability. Pero hindi niya in-expect na mabilis ako. Hindi niya in-expect na sa araw araw kong pagta-trabaho sa bayan, hindi lang ako isang babaeng may special ability, I can fight, I can run fast, I can hurt him with a dagger or a knife at hindi ako magtitimpi. I'm not that kind of girl.

Titan Academy of Special Abilities (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon