Season 1 |10| >> #WillYouSignTheContract?

116K 1.7K 254
                                    




Ken's POV

"So bago tayo mag start sagutan mo muna ito," sabi sa akin nung babaeng maganda na may maikling buhok. Jade ata ang name niya? Tapos inabutan niya ako ng ballpen at isang bond paper na may nakasulat.

Wala talaga ako masabi sa kanilang tatlo, lahat sila maganda. Si Jade kahit na nakakatakot siya kung magsalita, maganda pa din at bagay sa kanya yung maikli niyang buhok. Tapos kahit na yung boses palakang si Gem maganda din. Kaso syempre wala nang tatalo kay Belle, hehehe.

" Personal info lang yan about you, para naman alam namin kung sino yung client namin. So answer that with all honesty okay?" sabi sa akin ni Jade.

Tiningnan ko si Belle, at nakangiti siya sa akin. Hindi ko naman alam ang gagawin ko kaya tiningnan ko na lang yung parang form at sinagutan.

Personal Information:

Name: Kendrick Juliart Adriano

Birthday: September 22

Contact number: 0919.......

Hobbies: Reading

School: Brent University For Arts

Course: Bachelor of Arts in Photography

Address: 548 Kaunlaran Village, Infinity Subdivision Makati City

Questions:

Are you still a virgin? (If you're not a virgin, indicate the number of your sex partners) Yes.

Are you Gay? No.

Do you have any experience in kissing? Yes.

Are you good in it? No.

Do you have any girlfriend at the moment? No.

How many girlfriends do you have? One.

How many Ex? One

Reason why you need our service?

Napatigil ako sa pagsasagot sa tanong, ano nga ba ang dahilan ko?Parang napagtripan ko lang naman ito eh sa sobrang depress ko sa ginawa sa akin ng mga traydor na 'yun.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kaya nilagay ko na lang na torpe ako. Sus, pakiramdam ko naman yun yung tingin din nila sa akin.

"Here, I'm done." sabi ko tapos inabot ko kay Belle yung form kaso hinablot ni Jade, natawa na lang tuloy si Belle.

Binasa ni Jade yung sagot ko, tapos biglang natawa ng malakas.Yung boses palaka naman na si Gem nakatingin pa din sa akin tapos si Belle naman, kausap yung waiter at nag oorder na ata. Kaso parang type ata sya nung waiter, hindi pa din umaalis.

Nakakainis.

"Grabe, Kendrick, virgin ka pa!" sigaw ni Jade.

Kailangan talaga isigaw? Tss... ang laki talaga ng bibig nitong babae na'to

"Ang hot kaya Jade!" sabi ni Belle pagkatapos mag paalam siya dun sa mukhang kabayong waiter na kausap niya. Kinuha niya yung papel na sinagutan ko kay Jade tapos binasa nilang dalawa ni Gem.

Sandali nga lang.

Ano daw? Hot daw ako?Tss. Parang pinagtritripan lang nila ako.

"Oo nga Jade, ano bang masama kung virgin pa siya?" sabi nung boses palaka, tapos tumingin sa akin at ngumiti.

Ano ba yan! Ang ayaw ko sa lahat yung mga babaeng pa cute! Nakakabanas!

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon