“Narealize ko kasing ang boring mag-move on ng mag-isa tsaka di pa naman ako convinced na hindi mo ako magugustuhan eh. I mean, the way you blush around me? hmm I don't know. It sure looks like there's something.” She smirked.
Kinabahan nanaman ako bigla. Parang bumalik ang Briel na una kong nakilala. Yung Briel na provoking, maangas, at kinatatakutan ko. Yung Briel na, bumibigay ako.
“Mark my words, Gabi. Hindi man ako si Ali Gatie but It's you, it's always you, if I'm ever gonna fall in love it's always gonna be you.” She then wink at me at nag-flying kiss pa.
Jusko nag-cringe ako ng bongga!
Paulit ulit na nagrereplay sa utak ko ang eksena namin ni Briel nung isang linggo. Kung kanina ay natatawa ako ngayon ay nababalisa nalang ako. Parang seryoso siya nang sabihin niya yun eh pero kinabukasan nun ay hindi niya nanaman ako pinansin kaya di ko alam kung seryoso talaga siya o hindi.
Jusko ang sakit niya talaga sa ulo.
Nagtalukbong nalang ako ng kumot at pinilit na matulog ulit. Kanina pang alas sais nag-alarm ang phone ko dahil tutulungan ko dapat na magbake si mommy para sa birthday ng kaibigan ni Bailey.
Kakainin ko lang din naman ang mga binake namin kaya matutulog nalang ulit ako.
Bwisit kasing babae yun!
Nakapikit ako ng marahas sa ilalim ng kumot nang may maramdaman akong nagbukas ng pinto. Handa na sana akong masermonan ni mommy pero walang sigaw na umalingawngaw. Nanatiling tahimik lang. Baka sinilip lang ako?
Hahayaan ko nalang sana yun nang may maramdaman akong humiga sa tabi ko. Dahan dahan ang galaw niya at parang ayaw akong magising. Agad kong minulat ang mata ko at akmang sisilip sa labas ng kumot nang may nakakabinging sigaw ang umalingawngaw sabay ang mahigpit na pagyakap sa akin.
“GABI GISING NA!”
Putangina Briel!
Agad kong tinanggal ang pagkakatakip ng kumot sa akin at pilit na nagpumiglas mula sa pagkakapulupot sa akin ng kamay at mga paa niya— ng buong katawan niya pala.
Bwisit talagang babae.
“Briel let go!” Inis kong sigaw sabay pumiglas ulit pero wala talaga. Parang pinaglihi sa pusit ang babaeng to sa sobrang kapit ng mga kamay at paa sa akin.
“Nope I won't.” She giggled. Tinulak ko kaagad siya at thankfully natanggal ko siya sa katawan ko. Uupo na sana ako nang bigla nalang itong tumayo sa harapan ko at—
“I said I won't!”
Pumatong siya sakin!
Napahiga ulit ako habang siya naman ay nasa ibabaw ko. She even held captive of my hands above my head para lang di ako makapagpumiglas. Isang nakakalokong ngisi agad ang napansin ko sa kanyang labi. Shit anong plano niya?
“My, my, you're such a bottom Gabi.” She bit her lip seductively pero imbes na magalit ay nainsulto pa ako sa sinabi niya. Ako pa ang bottom ngayon ah? Aba.
“I'm always the top, Gabriela.” Panunukso ko sabay ngisi din. Kailangan di ako papatinag. Pero halos tumiklop ako nang ilapit niya sa akin ang muka niya, with her seductive look plastered. Pucha naman.
“Are you?” She smirked sabay lapit pa ng muka niya sa muka ko pero bago pa man siya makalapit ay bigla siyang napapitlag at namula. Fuck.
“Bailey gising na ba?” I heard my mom yelled from downstairs. Wala sa oras akong napatingin sa pintuan at nakitang nakasandal na doon si Bailey habang may ngisi sa labi. Sasabihan ko sana si Briel pero paglingon ko sa kanya ay grabe na ang pamumula niya.

BINABASA MO ANG
She's into Gays
Teen Fiction🌈 Gabi has always been gay, and every sane person knows that yet there she was a sweet tease for him. Oh well like she said, "I'm into gays." She's into gays. /completed.