Julia’s POV.

Grabe, ang hirap naman kapag bago ka sa school mo, wala kang kakilala tapos hindi mo pa alam kung saan nakapwesto yung room mo, nakakainis. Unang araw ko sa school ko ngayon tapos late ako, etong si Megan kasi sinundo pa ng Prince Charming niya. Corny nila. HAHAHAHA.

May hawak akong map, andun kasi yung way ko sa classroom ko. Putek naman, hassle.  Nakaka-stress.

Habang binabasa ko yun..

Bigla nalang may bumangga sakin.

“ASDFGHJKL!@#$%^&*()” Sigaw ko.

Paano ba naman kasi muntik na akong bumagsak, kulang na lang lumupasay na ako dito eh.

“Sorry Miss.” Sabi  nung lalaking nakasalamin.

“Sorry sorry, di mo kasi tinitignan dinadaanan mo.” Sigaw ko.

Sumibangot naman siya. “Kaya nga sorry dba? Tch.” Aba.

“Hoy Lalaki! Ikaw pa galit ah?! Ang kapal mo rin eh noh?! Ikaw na nga ‘tong nakabangga, ikaw pa ganyan. KAPAL!” Sigaw ko.

“Blahblahblah…” Pang-iinis niya.

Sa sobrang inis ko, gusto ko ng ipukol sa kanya yung mga librong dala-dala ko.

Pero biglang dumating si DJ..

“Oh Julia?” Pambungad niya.

His Blind Heart [KathNiel]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!