Persona Sa Likod Ng Maskara

27 4 0
                                        

I.
Ako'y kabataan ng ika-dalawang pu't isang siglo,
Hangad ang pagsibol ng pagbabago,
Nais makamtan ang pagiging moderno,
Sa pag-usbong ng pag-unlad, nasaan ako?

II.
Nakalimutan ko na nga bang talaga?
Ang tunay na halaga,
Ng pagkataong minsang naging si Maria Clara
Ngayo'y kuryusidad ang naglalaro sa ulong nagbabaga.

III.
Nasaan ang marikit at mahinhin kong ngiti sa labi?
Mga panahon na kuntento sa iisang tabi,
Kumikislap na mga mata ang tanging makakapagsabi,
Na isa ako sa mga tala na nagbibigay liwanag sa gabi.

IV.
Nagsimula sa paghahangad ng kalayaan,
Buong buhay na kapayapaan,
Ako si Eba na mayroong karapatan,
Hindi si Magdalenang naligaw sa baluktot na daan.

V.

Nakaraan na nagbigay-aral,
Kasalukuyang kapag nadapa ay tumayo'y bawal
Hihilahin ka pababa ng mga mapanghusgang mga mata,
Na sa mundong ito, may tengang, mabilis pa sa balita.

VI.
Sa likod ng madilim na maskara,
Nakatago ang pusong nakahulma,
Hinahanap ang mga dating ala-ala,
Tila ba unti-unti ng nawawalan ng pag-asa.

TULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon