"Isipin mo!?" Huh Ano ba ginawa ko dito, bat parang galit na galit. Nag Isip ako ng matagal. Hmmm Ano ba ginawa ko dito. Tinandaan ko yung Huling pagkikita namin kahapon. Ahhh Alam ko na.

"Alam kona, Galit ka kasi Hindi kita na text?"

"Alam mo naman pala eh." Inis na sabi parin nito. Napangiti naman ako. para yun Lang nagtatampo na. Bilis magtampo pero atleast cute.

"Hoy, sorry na. Busy kasi ako kagabi sa mga ginagawa ko sa school, at maaga narin ako natulog kasi napagod ako." Tinitignan ko naman to sa mukha kaso nilalayo niya mukha niya. "Hoy sorry na nga eh."

"Pwede ka naman magtext na kahit sabihin mo Lang na busy ka. Wala pang isang minuto yun, Hindi mo man Lang magawa. Tss" busy nga eh kaya nga nakalimutan ko diba.

"Nakalimutan ko nga, sorry na oh."

"Tss... oo na, oo na, ok na tayo."

"Wag ka mag alala mamaya tetext kita sure na sure promise."

"Pag Hindi mo Lang ginawa yan ah." Pagbabanta nito.

"Oo gagawin ko promise." Ngumiti na to at nagtuloy tuloy na kami sa pagkain, nang Biglang dumating na si Sam.

"Oh Sam bat ngayon ka Lang?" Sabi ni Jane

"Alam niyo naman na kasali ako sa student Council. May pinagmeetingan at ginawa kasi kami kanina." Sabi nito sabay subo ng garlic bread at umupo.

"Ahhh Kaya pala wala rin si drake kanina."

"Yah. Oo nga pala Ela favor naman oh, para sa Student Council."

"Huh? Para Saan ba?" Takang tanong ko.

"Diba magaling ka sa Painting, pwede ba sa Sunday Punta ka dito sa school, May papagawa Lang kami. Please sasama naman ako at May kasama ka ring ibang painters."

"May ibang painters naman pala, bat kailangan pa ako?"

"Eh ikaw naman pinaka magaling Eh. Hehehh. Please"

"Bola pa more, oh Sige Sige Basta sama ka ah."

"Oo, Swempre ah. ikaw Jane sama karin ba?"

"Hala Busy ako sa sunday, Sayang"

"Ahhh, Hindi ok Lang. Ikaw naman Timothy pwede ka ba." Tanong ko naman sakanya.

"Uhh. Hindi ko sure sabihin ko nalang bukas."

"Sige Sige." Nagtuloy tuloy pa ang kwentahan naman. Hangang natapos ang lunch. Nagpaalam na kami Kay Timothy at pumunta na sa Room namin.

~ ~ ~

Nang natapos na lahat ng klase namin, ay nagpaalam na ako kila sam at Jane at tumuloy na sa labas. Paglabas ko nang campus habang nag aantay sa pagdating ni Axel, ay May kumalabit sakin. Pagtingin ko si Timothy na nakangiting naka tingin sakin.

"Oh, Timothy Ano yun."

"Wala Lang mag papaalam Lang ako sayo na uuwi na ako, at ereremind Lang kita ng promise mo sakin." Nakangising sabi pa nito.

"Ahhh yung Text, oo mamaya Pag uwi ko tetext kita"

"Sure ka diyan ah."

"Oo, promise wala naman kaming mga assignments for school this weekend eh, so wala akong gagawin mamaya."

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now