"Ikaw Ela, may pa ganyan ka na pala ah." panunukso naman ni Sam.

"Omg! Kinikilig akooooo." kinikikilig na sabi ni Jane.

"Omg, ang sweet ni Timothy sa kanya oh."

"Oo nga eh, nakaka iingit naman."

"Pero nakakakilig sila panoorin."

"Grabe, bagay na bagay pa sila tignan together oh."

"Ang ganda ni Elaine tapos sobrang gwapo naman ni Timothy."

"Match Made In Heaven."

"Oo nga yieeee ang sweet nila tignan."

"Baka langgamin na sila diyan. Hahhha!" Nag bulong-bulungan naman mga tao sa paligid namin sa canteen, kahit bulong rinig na rinig naman namin. Nginitian naman ako ni Timothy nang tumingin ako sakanya na kumakain.

"Oh Ela, 'bat namumula ka nginitian lang naman kita ah," pag-aasar pa ni Timothy sa akin. Tinignan ko naman to ng masama. At tumingin na kila Jane at Sam na titig naman saming dalawa na parang kilig na kilig.

"Omg girl, ang pula mo! Hahahhaa," tawa ni Jane.

"Kinikilig siya eh," panunukso naman ni Sam.

"Hoy, hindi ah!" pagtanggi ko sa mga sinabi nila. 

"Edi bakit ka namumula!?" mapang-asar na tanong ni Sam.

"Uhh...kwan kasi. Umm, allergies siguro? Heheh," pagsisinungaling ko naman.

"Wehhhh," sabay na sabi nila Sam at Jane.

"Oo nga," pagpilit ko na allergies ang nangyayare. Bigla naman hinawakan ni Timothy kamay ko, kaya gulat akong napatingin sakanya.

"Anong ginagawa mo?!"

"Halika na sa clinic," sagot ni Timothy

"Huh?.. bakit?" takang tanong ko.

"Diba sabi mo may allergies ka. Oh, edi tara na sa clinic," nakangiting sabi pa nito. Binitawan ko naman kamay nito.

"Hindi, okay lang. Mawawala rin yan mamaya."

"Oo mawawala, mamayang wala na ako," natatawang sabi pa nito.

"Feeling!" sabi ko naman.

"Sige, itanggi mo pa," nakangising sabi nito.

"Tss..."

"Hala, ang sweet niyong dalawa," kinikilig na aniya ni Jane.

"Nakakaingit naman, sana ako may timothy rin hehehh," panunukso pa ni Sam na nginitian lang ni Timothy. "Wait Lang... pano ba kayo nagkakilala?" takang tanong pa nito. Nagkatinginan ulit kami ni Timothy na tandaan ko nung first day, dahil sa ka lutangan ko ay nabungo ko si Timothy.

"Oo nga.. pano ba?" Pagsangayon naman ni Jane Kay Sam.

"Uhhh. Ganito kas——."

"Binangga niya ako,"  Biglang singit naman ni Timothy.

"Anong Binangga! Nabannga... Nabangga kita. Nag sorry na ako diba, ilang beses pa kaya," Inis na sabi ko pa dito.

"Sinadya mo eh.... para mapansin kita No." Pang asar namin nito. Habang ngumingisi pa.

"Feeling ka talaga no." Sabay palo ko sa Balikat niya.

I'm done chasing youWhere stories live. Discover now