16 "Challenge Accepted"

44.4K 795 41
                                                  

16

"Challenge Accepted"

PARKING LOT

I don't know what to do now. Ang saklap naman ng mga nangyayari sa'kin. Dapat kasi inamin ko na lang talaga kay Cliff lahat at hindi ko na inintindi yung letter na nandun sa mayabang na lalaki na yun. San kaya pupunta si Cliff? Baka sa cafe. Narinig ko kasi na dun sila magpupuntahan. Magbabakasakali lang naman ako, kung nandun sya eh di good. Hindi ko na lang papansinin yung antipatiko't feeling na lalaking varsity din.

Malapit lang naman yung cafe na alam kong pupuntahan nila so nilakad ko na lang. Timing ata ang dating ko kasi nakita kong kakadating pa lang ng car ni Cliff. Hindi ko muna sya nilapitan. Nagtago muna ako sa likod nung isang sasakyan.

Kaya ko 'to. Hindi na talaga ako papalpak this time. I hope talagang hindi na. Nakatayo lang si Cliff sa harap ng isa pang kotse. Lalapitan ko na sana sya ng naglabasan ang nasa car.

"Yo captain kanina ka pa?" Sabi ng isang player na unang bumaba ng sasakyan.

"Hindi. Kadadating ko lang din." Sagot ni Cliff sa kanya.

"Tara pasok na tayo sa loob." Pagyaya nila kay Cliff.

"Sige mauna na kayo." sagot nya.

Huling bumaba ang antipatikong lalaki na parang walang nakita. Ang angas talaga nitong lalaking 'to. Mukhang sa kanya yung car. Dire-diretso lang sya at hindi nya pinansin si Cliff. Parang hindi sila magkasundo ah kahit nasa iisang team lang sila.

"Tonsi can we talk?" Tanong ni Cliff sa antipatikong lalaking yun.

Ang panget ng pangalan nya.

Tumigil ang antipatikong lalaki. "Tungkol saan, captain?" And he sniffed. May sipona ata.

Parang sobra naman ang emphasis ng 'captain'. Yung totoo? Naiinggit ba sya kay Cliff?

"Bago ka lang sa team kaya sana huwag kang gagawa ng kahit na anong makakasira sa'min." Ay bilib na talaga ako kay Cliff. Very responsible na captain.

"Sino ka para magsabi sa'kin ng ganyan? Akala mo ba dahil captain ka ng team susundin kita?" He smirked.

Ang yabang ng way nya ng pagsasalita nya habang nilalaro-laro ang susi ng kotse nya. Sino ba sya para pagsalitaan ng ganun si Cliff? Ni wala nga sya sa kalingkingan ng captain ng basketball team. Kapal nya talaga.

"Okay. Pero hindi pwede ang katulad mo sa team kung ganyan ka kaangas!"

Tumawa lang yung mayabang na lalaki na parang hindi sineseryoso ang sinasabi ni Cliff.

"I know na hindi sa'yo ang letter." Seryosong sabi ni Cliff.

Teka, letter ko ba ang pinag-uusapan nila?

"So I see. Kinausap mo ko dahil sa letter nung panget na babae na yun?" tumatawang sabi ni Tonsi.

Binanggit ba ni Cliff ang letter? Pero bakit? Pinagtatanggol ba nya ako? Teka baka ibang letter naman ang sinasabi nya.

"Alam mo pare, labas ka na dun. Sa'min na lang yun ni Torre ba yun." Proud pa sya sa pagbanggit ng pangalan kong mali naman. Grrrrrr!

Engot ba sya? Sinabi ko na ngang Torrence hindi Torre. Grabe, napakahina ng memory nya. Maliit sigurado ang ano nyan – utak.

"Anong klase kang lalaki? Wala ka bang nanay at ganyan ka kabrutal sa mga babae?" Sabi ulit ni Cliff. Ah, siguro naalala nya nung naverbal harrass ako nung antipatiko na yan.

"Wala kang alam! At huwag na huwag mong isasali ang nanay ko sa ganitong usapan." Mas naging seryoso ang mukha ni Tonsi. Mukhang sensitive sya pagdating sa topic na yun ah.

Natatandaan ko binilhan nya pa yung nanay nya necklace para sa birthday n ya. Pero bakit nga kaya ang sama talaga ng ugali nya?

"Siguro naman nabasa mo na yung sulat. Pwede mo na syang ibigay sa'kin." Inilahad ni Cliff yung kamay nya.

"At bakit ko naman gagawin yun? Walang kahit anong pangalan mo yung sulat at sa loob ng bag ko yun nakita. Kaya sa a─kin─yun! Okay?" Pinagdiinan pa ni Tonsi na sa kanya yung sulat. Sinabi ko na ngang hindi sa kanya yun bakit ang kulit nya.

Ang sarap umbagin! Naiinis ako sa kanya. Sana suntukin ni Cliff. O kaya ako na lang ang susuntok. Hindi ko alam kung tama bang naririnig ko silang nag-uusap. Pero nagkataon lang naman. Hindi ko naman sinasadyang marinig lahat. Hindi nga ba talaga?Gusto ko kasing malaman kung anong gagawin ni Cliff. Tsaka sa sobrang lakas ng sigawan nila eh maririnig at maririnig ko talaga.

"Alam ko na captain. Bakit hindi na lang tayo mag-one-on-one. Tingnan natin kung sinong mas karapat-dapat maging captain ng team. Kung manalo ka, sa'yo na yung sulat nung babaeng yun. Pero kung matalo ka, I'll keep the letter at─"

"At ano?"

"Ako na ang magiging bagong captain ng team?" Ang yabang nya talaga. Sino sya para ipusta yung letter na hindi para sa kanya?

"Are you crazy? Hindi basta ganun lang ang pagpili ng captain ng team! You don't deserve to be a varsity member, what more pang maging captain!" Sigaw ni Cliff sa kanya. Sinubukan nitong lalaki na 'to ang pasensya ni Cliff.

"So natatakot ka?" At nagsmirk na naman sya. Sana mahipan sya ng masamang hangin.

Hindi agad nakasagot si Cliff. Parang ayokong marinig yung isasagot nya. Baka masaktan lang ako. Pero gusto ko din namang mapahiya 'tong mayabang na 'to. Pero baka kasi mapahamak si Cliff. Kasalanan ko ba kung bakit mangyayari 'to o may problema lang talaga silang dalawa?

"Hindi ako natatakot. Dun tayo sa park! One-on-one." At naglakad si Cliff papunta sa kotse.

"Good."

Pumasok ulit sa kotse yung mayabang na lalaki at ganun din si Cliff. Parang biglaan ang pagdedesisyon ni Cliff. Pero gusto kong makita yung laban nila. Kailangan ko yung makita. Kaso medyo malayo-layo ang park mula sa dito.

Naisip kong magpasundo kay Katy kasi sya yung may kotse. Kinakabahan ako sa mangyayari. Sana basketball lang ang maging laro at hindi sila magkasakitan. 

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon