dedication porr -- @ThatSimplyMe ;)) 

ALAM NYO MEANING NG 'PREQUEL'? hmm.. lol.. 

- - - - 

x64: ITALY! 




[RACHELLYN's PoV] 


"Sige na hija, magpahinga ka na muna." sabi sakin ng isang babaeng nasa early 40's ang edad. 


Sya si Tita Lucia. Tita sya ni CJ sa father's side na dito na naninirahan sa Rome, Italy. Sya rin ang nagsundo sakin sa airport at dito ako ngayon tutuloy sa bahay nya. Dito na lang kaysa sa mag-hotel pa ko diba? Tipid-tipid din ako kasi malaki na nga ang nagastos ko sa pamasahe. 


"Dun lang ako sa baba. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka ah?" malambing na paalala ni Tita Lucia nang maihatid nya ko dito sa guest room nila. 


"O-OPO! GRAZIE PO!" 


Natawa sya. Siguro palpak pag-Italian ko! >___< 


"Figurati.." nakangiting sagot ni Tita Lucia bago nya ko iniwan. 


WEW.. 


Humilata ako sa kama. 


Nakakaantok. Mahigit kalahating araw din akong bumyahe by air ah! Tapos ang lamig-lamig pa ng klima dito.. Spring season eh.. 


*YAAAAWN~ 


Uhm.. Anong oras na ba dito.. 


Mm.. 10AM... 


Ten.. AM.. 












"AH!" napadilat ako at bumangon. Teka. Asan ako?! 


Kinusot ko ang mga mata ko. Tsaka ko lang naalala.. Nasa Italy na nga pala ko at kasalukuyang nakikituloy sa bahay ng tita ni CJ. 


Tumingin ako sa relos ko. HA?! 9PM NA?! 9PM na pero ang liwanag pa sa labas?! 


Err.. Mali.. Philippine time nga pala tong relos ko. 


Tinapik ko ng dalawang beses ang mga pisngi ko. My eyes searched for a clock and there. Merong nakasabit sa pader. It says 3PM. 3PM pa lang pala dito. 


Tumayo na ko at nag-inat nang napahinto ako. Na..Nakalimutan ko palang tawagan si CJ! 


Nagmadali tuloy akong nagtungo sa CR na nandito lang sa guest room. Mabilis akong naghilamos then bumaba na ko sa dining kung nasaan si Tita Lucia. 


"T-Tita Lucia! Pwede po pagamit ng phone nyo? Tatawagan ko lang po si CJ! N-Nalimutan ko pong ipaalam sakanya na nakarating na ko dito eh!" I was subsconsciously panicking. Baka kasi nag-aalala na si CJ sa hindi ko pagtawag! >___< 


"Hija, hija, calm down." naglapag sya ng pinggan at utensils sa mesa. "Tinawagan ko na si CJ kanina. I already told him that you've arrived here safe." 


"A-Ah.." kumalma naman ako. "Hehe.. T-Thank you po.." 


Ngumiti sya. "Welcome. Tara, kain muna tayo." 


Sabay kaming kumain sa dining. Sya nagmemeryenda ng tinapay habang ako, nagle-late lunch. 


Kwentuhan din kami habang kumakain. Una naming topic ang cultural differences ng Pilipinas at ng Italy. Then nauwi kay CJ ang usapan. Close pala talaga silang mag-tita lalo na nung nasa Pinas pa sya. Nagkataon lang na nakapangasawa itong si Tita Lucia ng Italian kaya kinailangan nyang tumira dito. 


Passed 4PM, nagpaalam ako kay Tita Lucia na hahanapin ko na ang hotel na tinutuluyan ni Adrian. Binigyan nya ko ng mapa na drawing nya mismo para mas maintindihan ko raw ang pasikot-sikot dito sa Rome. Ang ganda nya lang mag-drawing ah! Dapat sasamahan nya rin ko papunta dun sa hotel kaso may business sya sa tapat ng bahay nila na hindi nya pwede iwanan. It's a flower shop business. 


Tumuloy ako sa paghahanap kahit mag-isa lang ako. Naglakad lang ako para mafeel ko naman itong Rome. 


Kaenjoy naman. Madaming magagandang structures at nakakaaliw na mga tao ang nakita ko sa daan. 


Buti na lang, madali intindihan itong mapa na gawa ni Tita Lucia. Nakarating ako sa hotel ni Adrian nang hindi naliligaw. 


It's a mid-class hotel. Di sya moderno. Feeling ko nga, nasa renaissance period ako nung pumasok na ko nung building. Luma ang style at theme nito pero sobrang ayos ng lugar. You'll definitely feel that you're in Europe. 


Agad akong nagtanong sa front desk about Adrian. Thanks God at marunong mag-English yung Italianang clerk! 


"Yes ma'am.. Signor Guillermo is currently staying here and his room is on 3rd floor, number 316." sabi sakin nung clerk with a smile. 


"3rd floor, room number 316.. Okay. Grazie." 


"Si figuri, signorina." WAAA~ Ang ganda ng accent nya! *o* 


Well duh, Rachellyn. Italiana sya. Psh. =3= 


Tumuloy na ko sa 3rd floor. Mabilis kong nakita ang kwarto ni Adrian. 


I knocked on its door TWICE pero walang sumagot. Kumatok ako ulit ng tatlong beses pero wala talagang sumasagot. T3T 


Umalis siguro si Adrian.. Busy siguro sya.. Nag-aaral nga sya diba? 


I sighed, sabay upo dito sa sahig sa tabi ng pintuan. Hihintayin ko na lang umuwi si Adrian. Siguro naman, hindi sya gagabihin sa pinag-aaralan nya. 


While waiting, di ko naman maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. 

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!