15 "Mistaken Confession"

46.2K 874 43
                                          

15

"Mistaken Confession"

COURT

Malapit nang matapos ang game. Hindi na din ako mapakali. Nagpapalpitate ata ako. Hindi, ninenerbyos ata ako. Mixed emotions. I'm nervous yet I'm excited.

Naiihi ako na najejebs na. Waaaaaaaaaaaah! Hindi ko alam paano ieexplain. Hindi ko na nga masyadong napanood yung laro kasi tulala lang ako. Hindi ko na din napansin kung naglaro ba si Cliff. Ang pakiramdam ko mag-isa lang akong nakaupo sa court, walang players, walang audience, walang ibang tao kundi ako lang. Then I heard the buzzer. Mas lalo akong kinabahan, end na ata ng game.

OMG!

Bakit ganun ang mga players especially Cliff? Kapag pawisan mas lalong nagiging gwapo? Napatulala na naman ako sa kanya habang papaalis sila ng court. Nakabagsak ang mga buhok nya dahil sa pawis. Ang laki ng biceps nya. He's so hot!

Heto na naman ang puso ko. May heart problem ata ako. Pacheck up na kaya ako.

Tumingin ako sa paligid, nagtatayuan na yung mga students na nanood. Tapos na nga yung game. Busy si Katy kaya malamang hindi nya ako masamahan. Mag-intay muna akong umonti ang tao bago ako bumalik sa loob. Iintayin ko si Cliff sa labas ng locker room nila. I can do this, I know I can.

After few minutes eh tumayo na ako para pumunta sa loob at abangan ang paglabas ni Cliff. Mabuti na lang may upuan sa tabi ng pintuan ng locker. Bawat bukas ng pintuan eh para akong masusuka sa kaba. Ilang players na din yung lumabas pero wala pa din si Cliff. Iniisip ko kung nakalabas na sya at nahuli ako ng dating.

Makakatok na lang kaya? Kaso mas nakakahiya yun. Ano bang dapat kong gawin. Hindi ako mapakali kaya naglakad na lang ako pabalik-balik sa harap ng locker room.

Please, please Cliff lumabas ka na. Please, please. Fingers crossed. Hindi ko alam kung nagpe-pray ako or what. Pero habang nag-iisip ako biglang bumukas ulit yung locker door at natamaan ako sa mukha, buti nakaatras agad ako kung hindi baka nahimatay na ako dito.

Napalingon ako agad and I saw Cliff alone. Syempre bago pa sya makalayo eh tinawag ko na sya.

"Cliff."

Lumingon naman sya at tumigil nang makita ako. Parang slow motion yung paglingon na parang ang bagal ng oras.

"Hey Torrence, what are you doing here?" he smiled.

"Inaabangan talaga kita." Hindi ako makatingin ng ayos sa kanya.

"Me? Why?" Humarap sya sa'kin tsaka inilagay sa balikat nya yung black bag na hawak nya.

Tiningnan ko yung bag nya. Hindi ko matandaan kung sang part ko nailagay yung letter pero sure ako na black bag din yung napaglagyan ko.

"Nacheck mo ba yung –– bag mo?" Nauutal kong tanong sa kanya.

"Why do I have to do that? Bag ko 'to so hindi na kelangan?" he smirked!

"Yeah, right I – I mean may nakita ka bang letter or something?" Habang nagsasalita ako magkahawak ang dalawa kong kamay at paulit-ulit na pinipisil ang isa't-isa.

"Okay - wait. Let me check it." Tiningnan nya ako ng you-are-so-weird look nya. Binuksan nya ang lahat ng bulsa ng bag nya.

"Ah – no – " naku gusto kong kunin yung bag nya tsaka bawiin yung sulat. Bakit kasi sa harapan ko pa nya hinahanap yun. Nakakahiya! Meaning hindi pa din nya nababasa.

Habang hinahalungkat nya yung bag nya eh naisipan kong tanggalin na yung jacket ko. Bukod sa binabanas na ko sa sobrang nerbyos eh gusto ko na ding makita ni Cliff yung nakasulat sa blouse ko.

LOVE Disaster (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon